Chapter Fifteen

8.5K 208 19
                                    

FIFTEEN



Nakaawang ang labi ko sa kanya. He finally said it. Ako pa rin daw. Parang password na kusang pumalakpak ang tainga ko doon.

Kumalas si Sevhire sa pagkakagap sa aking mga kamay. Tinignan ko iyon.

"S-Sevhire.." Wika ko sa kanyang pangalan.

"Hmmm?" Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

He reached for my hand. "Sorry."

Ngumuso ako. "Bakit nga?"

"Akala mo lang 'yon." Bumuntong hininga siya. "Madalas nakatago lang ako, para hindi mo 'ko makita.."

"Bakit naman?"

"Coz I want you to miss me."

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Gusto niyang ma miss ko siya kaya ilang buwan siyang hindi nagpakita sa akin? Bakit?

"Hey.." Humakbang siya palapit. "Don't get upset."

"Nagtampo ako." Pag-amin ko.

"I know, Just." He said in a husky voice. "I know and I'm sorry."

Pinilit kong itago ang ngiti ko sa sinabi niya. Ganun ba talaga iyon? Kahit anong pagtatampo natin ay marinig lang ang sincerity sa kanilang boses okay na ang lahat at parang walang nangyare.

Tinanaw ko ang clubhouse. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang bumalik doon. Mas gusto ko dito, sa tabi niya.

"Justine."

Tumingin ako kay Sevhire. Fuck that! Kapag siya ang bumabanggit sa pangalan ko ay iba ang dating sa akin!

"Bakit?" Tanong ko.

"How's Cadence?" Pinilig niya ang kanyang ulo.

"She's absolutely not... fine." I sighed.

Kanina nga lang habang nag-aayos ako ng aking sarili ay nakita ko siya. She was so sad. Ang kanyang mga mata ay kusang nagsasalita sa emosyon na nararamdaman ni Ate Cadence.

"Alam ba niya yung kasunduan ng kapatid ko at ni Karl?"

Umiling ako. Kung alam man ni Ate Cadence 'yon ay malamang nag-aaway na sila ni Kuya KD.

"She's probably mad at us." Tumingala siya at lumunok, kitang kita ko ang paggalaw ng kanyang adams apple.

"Bakit kasi ayaw niyong mag text man lang?"

"We're not allowed. Kilala mo naman yang kapatid mo."

Yes. He's a bit control freak.

Natahimik na lang ako. I don't know what to say. Nauubusan ako ng sasabihin kapag kaharap ko siya. But I want him to stay. Ayoko ng aalis nanaman siya, ayoko ng malulungkot ulit ako.

Ilang minuto ata kaming nasa ganitong posisyon nang marinig ko siyang magsalita..

"Penny for your thoughts?"

Ramdam ko ang paglalaro ng ngiti sa kanyang labi.

"Are you going to leave again?" Tanong ko. Well, that's what I'm thinking right now.

Tumango siya. Bumagsak ang balikat ko. Bakit?

"But we'll text. Promise." Ani Sevhire.

"Bawal magkita?" Ngumuso ako.

"We're going to see each other, of course. Kasama ka sa kasal nila Cadence, e." He grinned.

Nanlaki ang aking mga mata. What? Kasal? Ikakasal si Ate? "Kailan?"

Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon