Chapter Twenty Six

6.4K 164 2
                                    

Maayos na nakalapag ang aming eroplano, medyo natagalan lang kami ni Derek sa mga bagahe. Ganito pala dito, no? Sa mga bagahe nagtatagal. Umabot pa nga ata ng isang oras.

Buti nalang at madali kong nakita si Kuya Stan. Who wouldn't? He was with his two kids. Cascade and Razen, I was pretty amazed dahil bata pa lamang ang mga ito ay nakuha na ang angas ng ama.

"How old are they?" Tanong ni Derek.

Nakilala ni Ate Cadence si Derek noong pinuntahan niya ako sa Cali para magbakasyon pero for business trip lang naman niya iyon. Nalaman lang niya na boyfriend ko si Derek nang minsang magkatawagan kami sa phone.

Pero si Kuya Stan ay mukhang hindi interesado.

"Cascade's four while Razen's two." Ngiti ni Ate.

Hinawakan ko ang maliit na kamay ni Razen, unlike Cascade, Razen is quiet siya iyong tipong well-behaved kid.

"Parang kailan lang..." Nilaro laro ko ang kanyang kamay, I can feel Cascade's gaze at me.

"Who is she?" He said in a spoiled tone. Umangat ang tingin ko sakanya and I saw a familiar smug face.

Dalang-dala talaga niya ang genes ng daddy niya.

"Cas, this is your auntie Justine, she's my sister." Iminuwestra ako ni Ate Cadence sa kanyang anak.

Tango lang ang naging sagot nito at bumalik sa paglalaro sa kanyang toy cars.

"Bata pa lang ay snob na." Biro ni Derek.

"Nope, that's a typical Arrhenius style." Ani Kuya Stan na ngayon lang nagsalita dahil busy sa manibela.

"Masyado mong pinagmamalaki ang genes." Ani Ate Cadence.

Hindi ko na nakita ang naging tugon ni Kuya Stan dahil nakatalikod siya sa akin. I wonder about his thoughts right now.

"We're going to your condo, Just. Doon muna kayo ni Derek, Kuya KD bought you that last week nang malaman niyang dadalo ka sa kasal ni Syche."

Tumango ako. "Where's Kuya?"

I really wanted to see them, hindi ko alam kung hanggang ngayon ay galit parin sila sa akin o hindi. Sa apat na taon na nawala ako ay parang nawala din ang connection ko sa kanila, they're not talking to me and I don't have any ideas about their whereabouts.

Minsan nga ay napagisip-isip ko kung bakit humantong sa ganoon. I should've choose the better. Dapat ay hindi ako naging makasarili.

Tanaw na tanaw ko ang mga sasakyan at buildings, I'm home now. Pero ang tanong, am I ready? Oo, sana.

I was just infatuated. Iyon lang 'yon.

Gumapang ang braso ni Derek sa aking balikat nang mapansin ang pananahimik ko.

"Are you sleepy?" Bulong niya sa akin.

Tumango ako kahit hindi naman, jetlag lang siguro itong mga naiisip ko ngayon. Hinayaan niya akong sumandal sa kanya at dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata.

Nagising ako sa isang mahinang pagyugyog, I squinted my eyes just to see my boyfriend sitting next to me. Tinignan ko ang laman ng kotse at napagtanto kong kaming dalawa nalang pala ang nandito.

"Hindi kita magising ng maayos. I was afraid you'll chop my head off once you're awake." He chuckled.

Umirap ako at inayos ang aking sarili. Wala naman siguro akong muta-muta no? Hindi rin naman siguro mabaho ang hininga ko? That was just a nap right?

Bumaba kami sa sasakyan at pumasok sa isang kilalang condominium, itinuro sa akin ni Derek kung saan ang lugar namin doon, I saw Kuya Stan helping my sister cleaning the whole room.

"Hala, ate, ako na." I tried to snatched the broom from her hands pero inilayo niya lang ito sa akin.

"'Wag ka nga, Justine. You're tired. Just go and get some more sleep. Kami nang tatlo ang bahala dito. Your room is okay, tabi nalang kayo ni Derek, siguro no?"

Shit, kailanman ay hindi pa kami nagtatabi ni Derek sa iisang kama. Inakbayan ako ni Derek at siya ang sumagot imbes na ako.

"Yes Cadence, we will share. Don't worry." Aniya

Dumako naman ang tingin ko kay Kuya Stan na parang walang pakialam sa naririnig.

Why do I have this feeling that I don't belong here anymore? That I am not welcome anymore? Sa lahat ay si Kuya Stan lang ang hindi tumutol sa amin ni Sevhire. Siguro ay naiintindihan niya ito dahil din sa maling pagmamahalan nila noon ni Ate Cadence. He's the one who supported us. I was so happy dahil alam kong may sumusuporta sa amin.

But he gave up on me and that's an enough reason to let go too.

I swipe away my thoughts, dapat ay hindi ko na iniisip ang matagal nang tagpong iyon.

Nagpaalam na rin sina Ate sa akin, I waved at my nephews too. They're too handsome and adorable. Malamang ay maraming luluha sa dalawang iyon.

Si Derek naman ay nag-aayos nang mga gamit namin sa kwarto kaya't pinuntahan ko siya.

"Pagod ka diba? Ayaw mo matulog?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako.

"Bakit?" He looked at me, "Wala akong gagawin sayo kaya matulog ka na."

Ngumuso ako. "Hindi iyon. May tiwala ako sayo, hindi lang talaga ako inaantok."

"Bakit hindi?"

"Ang dami mong tanong." Kumunot ang noo ko at naglakad malapit sa kanya.

Tinignan niya ako at pinisil ang aking ilong. "Pikon..."

Ngumiti ako ng tipid at napadako ang tingin ko sa aking cellphone nang bigla nanamang magsalita si Derek.

"Kanina habang tulog ka, tumawag sa akin si Maricel." His secretary, "Justine, you know that I don't want to leave you here right?"

Parang alam ko na kung saan papunta ang usapan namin. May naiwan siyang meeting sa investors, although alam kong may kompanya sila dito ay marami rin siyang kailangan asikasuhin sa Cali.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Der, naiintindihan ko. You're a busy person. Hindi naman ako mawawala sayo habang wala ka at nandito ako."

Tinignan nya ang mga kamay namin at inangat ito, he gently kissed my backhand. Napagiti ako.

"Just always remember that I will always support you in every decisions you will make."

Tumango ako sa kanya.

You're not going to lose me, Derek. Never.


Make It Faster (Arrhenius Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon