SEVEN
Umiwas ako ng tingin kay Sevhire. Hindi ko mawari ang pinapahiwatig niya, ano? Aasa pa ba ulit ako o hindi na? Ang gulo! Para akong sumusugal. Para akong gumagawa ng isang desisyon na walang kasiguraduhan.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya, lumayo din siya sa akin ng kaonti.
Tumango ako. "Sino bang hindi?"
Nagkibit balikat si Sevhire at hindi na sumagot, bigla siyang lumakad at lumabas sa bahay, sinundan ko siya. Pag labas ko, nakita kong nakababa na pala si Sevhire kaya bumaba na rin ako. Gustong-gusto kong tanungin kung anong nasa isip niya pero natatakot ako.
Bakit nga pala ako matatakot? Hindi ko alam. Siguro sa pwede niyang isagot?
"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko kahit na hindi ko rin alam kung ihahatid niya ba ako pauwi.
"May pupuntahan tayo." Ani Sevhire at sumakay kay Israel, ang sarap lang purihin kung paano siya sumakay ng kabayo!
Ang gwapo gwapo!
Nagmamadali akong sumakay na rin kay Israel, naramdaman ko agad ang init niya ng makasakay na ako. Kumapit ako sa balikat ni Sevhire, ang tigas! Parang batak na batak. Goodness, Justine!
"Where are you taking me?" Tanong ko kay Sevhire.
"Neverland." Ani Sevhire at tumawa ng pagak.
Napanguso ako, hinayaan ko na lang siyang patakbuhin ang kabayo. May lugar pa ba rito? Parang wala naman. Kahit na matagal na ako dito sa Vista Verde ay hindi ko naman kabisado yung mga daan.
Tahimik lang si Sevhire kaya ninamnam ko nalang yung mga nakikita ko sa paligid. Pabagal ng pa bagal ang takbo ni Israel, kunot noo kong tinignan ang lugar kung saan ako dinala ni Sevhire.
Para siyang playground. May karatolang luma ang nakatayo. Phase 2 ang nakalagay doon.
"Ano 'to?" Tanong ko, bumaba si Sevhire sa kabayo at inalalayan din ako.
"D'eondre's playground." Aniya at naglakad na kaming dalawa.
Talaga? May playground pala ang D'eondre? Bakit ngayon ko lang alam? May Monkey bar, slide at swing ang nandito. Tumakbo agad ako sa may swing.
"Dito ka!" Nguso ko sa katabi kong swing. Mabilis naman na pumunta si Sevhire at umupo.
"Ayaw mong itulak ko?" Tanong niya.
Tumango ako. "Dito ka na lang sa tabi ko."
Hindi ko naman intensyon na lagyang kahulugan yung sinabi ko. Natahimik siya, ako rin. Tanging simoy na lang ng hangin ang nararamdaman ko, ginalaw galaw ko yung swing para may mapaglibangan.
"Do you want a mature relationship?" He asked na kinagulat ko.
Kusang tumigil ang paa ko sa paglalaro ng swing at tinignan siyang nakatingin na pala sa akin.
"O-Of course... lahat naman ata ng babae gusto ng ganoong relasyon." Sagot ko.
"You talked about it like an expert." Aniya at ngumisi. "Why do you want a mature relationship?"
Teka. Hindi ko naman alam na magtatanong siya ng ganito sa akin. Wala akong makapang sagot. Sige, kung ano nalang ang lumabas sa bibig ko.
"Syempre, all girls want a guy that can act like a big brother to them. Alam mo yun? When we're acting silly or childish may lalaking magpapaka mature para sa amin? I mean, yung kaya kaming pagtiyagaan? Ahh! Ang hirap.."
"Mature relationship ba 'yon? Parang hindi naman." Ani Sevhire at nakita kong ginalaw niya yung swing niya.
"Para sa akin mature yun! Ang dull naman kung lagi kaming serious diba? Okay din kaya yung may kalokohan minsan." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Make It Faster (Arrhenius Series #2)
General FictionBawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyong pagkatao ay unti-unting nasisira? Ipaglalaban mo pa rin ba ang pag-ibig na mali sa iba? O ipagpap...