Chapter 1: Metamorphosis VII

1.4K 95 0
                                    


"Don't get too close,
It's dark inside,
It's where my demons hide."

Book I: Metamorphosis, Chapter VII

Unti-unting lumalamig ang ulo ko, pakiramdam ko unti-unti itong narerefresh. Marahan ding lumilinaw ang aking paningin. Ang mga muscles ko at ang likod ko sobrang sakit. Ang hapdi ng lalamunan ko! Nag-crouch ako sa sobrang sakit. Gusto kong sumigaw pero hindi ako makasigaw. Ramdam ko na parang lumiliit ang aking katawan. Parang unti-unting tinatanggal ang aking mga laman loob tapos binabalik at tinatanggal ulit. Sobrang sakit!

Basang basa na ako sa pawis at sa malalansang amoy ng dugo ng zombies. Umaalingasaw sa akin ang mga dugo na kumapit sa aking katawan. Pumikit ako saglit matapos mawala ang sakit sa aking buong katawan. Kinalma ko ang aking sarili. Pagmulat ko ay dahan-dahan kong itinayo ang aking sarili. Si Kevin na nakasandal sa van ay lumapit sa akin. Inalok ako ng sigarilyo. Tinanggap ko ito na nanginginig-nginig pa ang aking kamay. Sinindihan ko ito at tiningnan si May. Nakaupo ito sa gilid ng kalsada habang tulalang nakatitig sa madugong langit.

"Hey guys, yung notifications i-check na natin." Paalala ko sa dalawa.

Pinindot ko ang maliit na envelop sa gilid ng aking paningin na may nakasulat sa tabing 29.

Ding!

<You killed a zombie: +10% experience>

Ding!

<You killed a zombie: +10% experience>

Ding!

<Your party killed a zombie: +5% experience>

Ding!

<You killed a zombie: +10% experience>

Twenty-one ang napatay naming zombie. Twelve ang napatay ko mismo na nagbigay ng 10% experience at nine ang napatay nina Kevin at May na nagbigay sakin ng 5% experience.

Ding!

<Your party acquired a skill book: Rank 1 Summon: Lesser Heteromorphic Being

Do you want to roll the dice? YES or NO?>

< Rank 1 Summon: Lesser Heteromorphic Being

At first, the user can summon a random lesser heteromorphic being.

The summoned being is permanently attached to the user and the ability of this being is based on its race.

If died: This hetoromorphic being can resummoned after death once a week.

(-) one level after reviving the summoned being>

Ding!

<Your party acquired a skill book: Rank 1 Iron Skin

Do you want to roll the dice? YES or NO?>

<Rank 1 Iron Skin (PASSIVE)

Thru genetic mutation humans in other universe discover to harden their skin like irons.

(+) 200% Vitality

(+) 100% Strength >

Ding!

<Your party acquired a skill book: Rank 1 Summon: Lesser Heteromorphic Being

Do you want to roll the dice? YES or NO?>

< Rank 1 Summon: Lesser Heteromorphic Being

At first, the user can summon a random lesser heteromorphic being.

The summoned being is permanently attached to the user and the ability of this being is based on its race.

If died: This hetoromorphic being can resummoned after death once a week.

(-) one level after reviving the summoned being>

Ding!

<Your party acquired a magic item: Boots of Speed

Do you want to roll the dice? YES or NO?>

<Magic Item: Boots of Speed

(+) 50% Agility

Ding!

<Your party acquired an item: Sword of the Fallen Commander (Normal)

Do you want to roll the dice? YES or NO?>

Ding!

<Your party acquired an item: Lesser Health Potion

Do you want to roll the dice? YES or NO?>

<Lesser Health Potion

Can heal 20% of health temporarily.>

Ding!

<Your party acquired an item: Lesser Health Potion

Do you want to roll the dice? YES or NO?>

<Lesser Health Potion

Can heal 20% of health temporarily.>

Ding!

<You acquired 13 Gold Coin>

"Wait! Wala munang magkocommand." Sigaw ko sa dalawa.

"Ang dalawang skill book na Summon: Lesser Heteromorphic Being ay sa inyong dalawa tapos ang Iron Skin ay sakin. Sang-ayon ba kayo?" paliwanag ko sa dalawa.

"Sige, ganon din sana ang i-sasuggest ko sayo. Naunahan mo lamang ako. Hahaha." biro ni May.

Napag-usapan namin na ang dalawang Lesser Health Potion ay kay May at ang Boots of Speed ay kay Kevin. Napagkasunduan na dahil ako ang tumatangki sa mga zombies ay sa akin ang Sword of the Fallen Commander. Napag-usapan din namin ang nakuha kong Gold Coins. Pagbinigay ng system laging may use iyon sigurado. Hindi lang ako ang nakakuha ng Gold Coins pati si May at Kevin. Feeling ko may shop or magagamitan nitong Gold Coins na ito.

----------------------------

Gaya ng unang plano. Ginamit namin ang Islander upang makarating sa Sto. Tomas. Syempre, dinala ko pa din ang bangkay ni Ashley. May malaking kumot kaming nakita sa loob ng sasakyan kaya ito ang ipinambalot ko sa katawan ni Diane. Kahit mailibing ko man lamang siya ng ayos. May mga pagkakataon na may nababangga kaming mga zombie pero wala kaming nakukuha na experience. Dalawang barangay lang ang layo ng Sto. Tomas sa Tanauan. Inabot lamang kami ng 30 minutes upang makarating sa Sto.Tomas.

Nang mapadaan kami sa simbahan may barricade na ang kalsada at may mga military police na ang nakapalibot dito. Ginawa nilang evacuation center ang simbahan at the same time base of operation para sa mga police. Lahat ng communication ay down kasama na din ang radyo, TV at internet. May mga tanod at police ang nagsusunog ng mga bangkay ng zombies na napatay nila. Lahat ng mga zombies ay pinagababaril nila. May mga police din na nagamit ng skills na katulad ng mga druid at magicians sa MMORPG. May mga civilians na tumutulong sa mga ito para maclear ang paligid gamit ang beginner's knife. May mga batang nagamit ng fireball at lightning strike. Meroon ding babae na may alagang skeleton warrior or something like that. I don't know kung anong tawag sa skill nya.

Nagulat kami ng mapansin namin ang limang police na lumalaban sa isang zombie na aso. Oo, pati aso naging zombie. Pati kami ni Kevin at May ay nagulat. Pero ang kakaiba dito ay ang mga paa niya ay nag-aapoy. Bumaba kami upang tumulong sa mga ito at para na din sa experience.


Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon