Ang bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...
May lumabas na portal sa tabi nito't hinigop ang naghihinang katawan ng babaeng draconian.
Tsk
Akala ko pa naman gaganahan na ko!
Lumingon ako sa mga kasamahan ko at saka ako naglakad patungo sa hagdan.
Ang hagdan na ito ay patunga sa susunod na arena.
Tumingala ako pataas upang maaninag kung hanggang saan aabot ang mga patong patong na arena na tila naging napakalaking mga hagdan pataas sa langit. Ngunit kahit anong titig ko ay hindi ko makita kung hanggang saan ito. Tila wala atang katapusan ang mga arena na ito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
<Not exactly like this pero parang ganito.>
Umakyat ako sa second stage, dalawangportal ang lumabas sa harap ko't naglabas ng dalawang draconian!
Agad namang tumalon ang mga ito patungo sakin upang gamitin ang advantage sa biglang ataki nila!
HA!!!
Pinatigas ko ang lahat ng muscles sa buong katawan!
Bang!
Sabay na tumama sa katawan ko ang malakas na suntok ng dalawang draconian.
Tsk.
Napaatras ako ng apat na hakbang.
Nanlaki sa gulat ang dalawang draconian! Matagal ng tumanim sa utak nila na dahil sa mga scales nila mula sa mga ancestors nilang mga dragon ay walang kasing tibay ito. Ngunit dahil sa naging manipis at kakaunti na lang ang totoong dugo ng dragon na nagsi-circulate sa katawan nila'y naging mahina na din ang special traits na natatanggap nila sa bloodline nila!
Maihahalintulad mo ba ito sa Rank 4 Skill ko na Quatz Skin!
Hahahaha!
Agad kong sinunggabang ng dalawang kamay ang dalawang kamao na tumama sakin!
Babawiin sana nila ito ngunit mas mabilis akong nakapag-counter!
Pinalabas ko ang napaka-dense na Death Aura at mabilis ko itong pinagsama-sama sa aking dalawang kamay upang palibutan ito.
Ngumiti ako sa dalawa. Nang makita nila ang Death Aura ay kitang kita mo na natakot at nagulat sila!
Pinipilit nilang bawiin ang mga kamay nilang dalawa mula sa pagkakahawak ko sa mga ito ngunit kahit anong gawin nila hind nila ito mabawi mula sakin!
Hahahahaha!!
Napakalaki ng ngiti ko sa kanilang dalawa habang pinipilit nilang bawiin ang mga kamay nila sakin!
"Rot!"
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Lily's POV
"Papasukin ang Italian Ambassador!"
Kararating lang ng nito kani-kanina lamang. Hindi ko ito agad pinapasok sa Town Hall upang iparamdam dito na wala siyang importansya sa loob ng floating island.
Tignan natin kung anong pakay mo dito.
Nagbukas ang pinto at mula dito ay pumasok ang isang lalaki na puti ang buhok at silver ang mata kasunod nito ang isang foreigner. Itim ang buhok nito ngunit kulay blue ang mata. Wala akong nararamdaman na aura kaya siguradong wala pa itong class.
Nag-vow sa akin ang lalaki na may puting buhok at saka ito lumabas.
Ngunit bago ito lumabas ay tumingin muna ito sa foreigner, mula sa mata nito'y mararamdaman mo ang napakalakas na killing intent.
Nagulat ang foreigner ngunit hindi ito nagsalita. Lumingon ito sa apat pa nitong kasamahan. Kitang kita ang mga pawis at takot sa mga mata ng mga ito. Ngunit bago pa lumabas ang may puting buhok na lalaki ay tumigil muna siya sa pinto na tila may hinahantay pang pumasok.
Mula sa pinto ay mayroong lalaki na naka cloak ang pumasok. Medyo nagulat ako dahil mula sa katawan nito ay may nararamdaman akong aura.
"Anong kailangan ninyo sa Crowe Clan?"
Nang makita ng foreigner na nakapasok na ang lalaki ay nagkaroon ng confidence ang mhga mata nito!
Napailing ito at tumingin sa akin ng nakangiti.
"Hahahaha, madam. Wag ka namang magalit agad agad. Naandito kami upang makipagnegosasyon sa inyo."
Medyo kumunot ang mukha ko dahil hindi ako komportable na kausapin ng ganito. Para bang may hidden meaning ang sinabi nito.
"At anong negosasyon ang sinasabi mo?"
" Ang kalahati ng floating island!"
Nagulat ako saglit pero pinakalma ko ang sarili ko.
Tsk.
"Hindi pwede! Makakaalis na kayo."
"Hahaha madam, hindi mo kasi alam ang sitwasyon."
"Anong sitwasyon?"
"Ang balita ay nangangalap kayo ng napakahalagang halaga ng gold coins. Babayaran ko kayo."
"Labas." mahina ko itong sinabi upang mapakalma ang sarili ko.
"Hahahahahahaha hindi magtatagal ay babagsak kayo sa patuloy na pag-ataki ng Luzon Guild Alliance! Maaari naming ipatigil ang mga ataki. Kalahati lang ng floating island."
"Hindi mo ba narinig ang sinabi kong lumabas na kayo."
"Hahahah kalma ka lang madam! Bago mangyari ang apocalypse ay isa ako sa pinakamalaking smuggler ng mga baril dito sa Pilipinas. Maaari kitang bigyan ng maraming baril."
"Labas!!!!" Sigaw ko sa mga ito!
Kumunot ang mukha ng foreigner at makikita ang pride at galit sa mga mata nito!
"Pagsisisihan mo ito! Tignan natin kung hanggang kailan kayo tatagal! Mas higit kami sa dami! Hahahaha konting araw na lang at babagsak na kayo kahit pa nabubuhay ng nabubuhay ang mga kasama mo ay hindi niyo pa din matutumbasan ang dami namin!"
Tumalikod ito sa akin ngunit muling ngumiti at humarap sa akin.
"Sa susunod nating pagkikita ay hihiwain ko nang hihiwain ang katawan mo't kakantutin ko ang bawat sugat na gagawin ko sayo!!"