Chapter 2: Hundred Evil Soul's Parade II

1.1K 63 0
                                    


*Note:Lily's POV

May humawak sa aking braso. Sobrang higpit. Kinaladkad ako papunta kay Mary.

"Ito ba 'yon?" tanong nito sa kanya.

Napalingon ako kay Iris.

Umiiyak ito. Kinabahan na ko pero ang pinaka hinding hindi ko matanggap na sumunod na nangyari ay...

"Wala po akong ninanakaw! Hindi po ako iyon!" umiiyak na sigaw ni Iris.

Nagtitinginan na ang mga tao. Nagkukumpulan habang pinapanuod ang mga pangyayari.

Kita mo sa mga mata nila ang awa at pagkamanhid.

Dahil hindi lang ito ang unang beses nangyari ito..

"Wala po kaming ninanakaw! Mary ano ang pinagsasasabi mo! Walangya ka!" Sigaw ko.

"Hi-hindi!" sagot ni Mary na tila may kakaunting pag-aalinlangan.

Nanginginig ang katawan nito ngunit nawala din naman bago muli ito nagsalita.

"Hindi po ako nagkakamali! Sila po talaga ang nagnakaw! Kitang kita ko sila ng ipinasok nila sa bahay ang mga bigas ng patago!"

May babaeng lumabas ng bahay na may hawak hawak na isang malaking plastic na may lamang bigas. Si Jane!

Ang isa pa naming kasamahan sa bahay.

"I-ito p-po! Ito po ang ninakaw nila!!!" sigaw nito sa mga lalaking may baril.

"Hindi ko po alam yan! Wala po akong kinalaman diyan!" sigaw ni Iris.

"Hindi wala po kaming kinalaman. Nagtatrabaho po kami ng tama. Wala po kaming ninanakaw. " Pagmamakaawa kong sinabi sa lalaking nakahawak sa braso ko.

"Wala po kaming ninanakaw" mabilis nang tumutulo ang mga luha ko.

Awang awa na ko sa sarili ko sa kakahinatnan ko.

"Maawa na po kayo wala po talaga akong ginagawa."

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Inaamin ko na po! Siya po ang nagnakaw. Tinakot niya lang po ako para tulungan siyang dalhin ang bigas pauwi! Please, wala po akong kasalanan siya lang po. Maawa po kayo sa akin."

Laking gulat ko ng biglang sumigaw si Iris na nakaturo sa akin! Anong ako? Wala akong ginagawa!

"SINUNGALING! Please wala po akong ginagawaaaaaaaaa at saka may bantay po doon paano po ako makakapag-labas ng bigas. Please wag po kayong maniwala sa kanila!"

"Manahimik ka! Ang mga bantay mismo sa 711 ang nagradyo sa akin na nagnakaw daw kayo ng bigas kahapon !" sagot ng isang lalaki na tila leader ng mga armadong lalaki.

Nanglaki ang mata ko at naalala ko ang mga gwardya sa 711 na nakatitig sa aming dalawa ni Iris na tila hinuhubaran kami sa tingin.

"PLEASE WALA PO AKONG KASALANAN SIYA LANG PO!"

"PLEASE!"

"PLEASE!"pagmamakaawang sigaw ni Iris.

Nanglambot ako. Nagpupumiglas ako at nagmamakaawa pero wala pa ding kwenta. Ako ang itinuturo ni Mary at Jane. Ako din ang tinuro ni Iris.

Mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa dalhin ako sa lugar na iyon.

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Dalhin yan sa kulungan! Sa likod ng simbahan!" sigaw ng leader.

"Isama na din 'yang maingay na babae! Dalhin silang dalawa!"

Lumapit ito kay Mary. Bago ako kaladkadin ng lalaki sa braso narinig ko ang medyo pabulong na sinabi nito kay Mary.

"Good job. Sa inyo na 'yang bigas pati itong maliit na bahay. Hehehe kami nang bahala sa dalawang ito. Matagal ng napupusuan ng mga kasama ko ang babaeng ito"

Nakuyukong pumasok ang dalawa sa aming tahanan.

Mali.

Dati ko palang tahanan.

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Mabilis gumawa ng daan ang mga naki-osyoso sa maliit na disturbance. Ang iba dito ay walang nagawa kung hindi magbuntong hininga na lang at umiling.

Kita ang awa at galitn sa mga mata ng mga ito.

Pero may magagawa ba sila?

Kulungan sa likod ng simbahan?

Pinaghiwalay nila ang kulungan ng mga lalaki at babae.

At....

Kilala ang lugar na iyon as kulungan ng mga babaeng criminal pero bukod doon alam din ng lahat na ang likod na simbahan na tinatawag nila kulungan ay isang lugar kung san nakakulong ....

.

.

.

ang mga babaeng pinaglalaruan at pinagrara-usan ng libog. Ang mga ito ay mga babaeng pinagpapasa-pasahan ng private army ng Mayor.

Kung may mga pokpok ang mga Fighters, ang private army naman ng Mayor ay may sarili nilang SEX SLAVE.

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon