Ang bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...
Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay . Nahihirapan ako huminga! Nananakit ang malaking sugat na natamo ko nang tanggalin niya ang aking kanang braso.
Pero tiniis ko!
This damn place!
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa hindi na din niya nakayang humabol pa dahil sa unti-unting nabubulok ang kanyang buong katawan. Unti-unti na ding nahuhulog ang iba pa nitong mga kamay.
It's either you or I!
Isa sa atin ang mamamatay! Kahit maiganti ko na lang ang mga mahal ko sa buhay!
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Isang linggo na ang nakalipas simula ng matinding labanan na iyon. Palipat-lipat ako ng tinataguang bahay dahil sa malaking sugat na natanggap ko.
Sa ngayon ay hilom na ang mga sugat ko at ang right shoulder ko pero syempre napakalaking bagay pa din sa akin ng pagkawala ng kanan na braso ko at ng Ring of Hope.
Napansin ko na araw-araw ay lumilipad ang misteryosong lalaki sakay ng kanyang weirdong ibon sa taas ng dungeon village na tila may hinahanap.
Pero syempre alam ko namang ako iyon, may pagkakataon pa nga na sa sobrang frustration niya ay sumigaw siya ng malakas nang...
"NASAN KANG WALANGYA KA! TANG INA ANONG GINAWA MO SA KATAWAN KO!!!"
Madalas ko din siyang nakikita na nainom ng healing potion. Alam kong naging epektibo ang curse ko sa kanya pero kahit na anong frustration na maramdaman niya ay wala siyang magagawa dahil na sa loob ako ng dungeon village pwera na lang kung papasok siya dito.
Pero halata namang wala siyang lakas ng loob.
Bukod sa nakaibon na lalaki ay nagtatago din ako mula sa monster boss. Mga after 3 days simula ng pangyayari ay nakita kong muli ang moster boss habang nakasilip ako sa bintana. Ang nakakapagtaka ay nawala ang sumpang inilagay ko sa kanya.
Habang nasa bintana ako ay nagcast ako ng curse at nilagyan ko muli siya ng Rot Spell. Nagwala pa nga siya noon at pinaghahalungkat ang bahay na malapit sa kanya. Pero makalipas din ang kinabukasan ay muli ko nanaman siyang nakita na patalon-talon sa bubungan na tila wala akong nilagay na curse sa kanya.
Biglang nawawalan ng epekto ang curse ko sa kanya o may time duration lang ito sa biktima.
Pero bakit ang lalaking may ibon, hanggang ngayon galit na galit pa din siya sa paghahanap sakin. . . . .
Lagi ko din siyang nakikita na nainom ng Healing Potion upang mabawasan at makarecover siya sa epekto ng Rot.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Simula nang mawala sa akin ang aking kanang braso ay sinimulan ko nang umpisahan ang pangungulekta sa mga ulo at braso na kakailanganin para sa Catherine Formation.
Hindi ko man gusto pero kapag hindi ko pa pinatos ito paano na lang ako makaka-alis dito sa impyernong village na ito.
Lalo na ngayon at dalawa na ang humahunting sakin.
Para akong criminal na dahan-dahang kumikilos sa mga anino ng bawat bahay at buildings dito sa village.
Para akong daga na kapag walang nakatingin kumakaripas ng takbo.
Hanggang sa nakumpleto ko na lahat ang mga kailangan ko't nilagay ko ito sa walong garbage bag.
Ang baho promise. Sobrang baho pero kailangan kong tiisin.
Pinagsama-sama ko lahat lahat ng ulo at braso. Inilabas ko ang Mystic Glyphs at pinatakan ko ito ng dugo.
Bigla itong umilaw ng kulay pula at may mga letrang lumabas na hindi ko maintindihan.
Ang mga letrang ito na tila noong unang panahon pa ang pinagmulan ay mabilis na pumasok sa noo ko. Kasabay nito ay may mga strange ideas, theories and energy ang pumasok sa isipan ko.
Para bang naging computer ang utak ko na sinalpakan ng USB at nagcopy/paste na lang basta dito. Sunod-sunod ang mga inpormasyon na pumapasok sa utak ko.
Umupo ako na pa-lotus position at inilagay ko ang nag-iisa kong kamay sa kaliwa kong tuhad upang maging komportable ako.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isa-isa kong hinimay at inintindi lahat ng napasok sa isip ko. Pakonti-konti ko itong pinag-aralan upang malaman ko kung ano ba ito.
Dahan-dahan at masusi ko itong pinagkaabalahan.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Mabilis na dumaan ang mga araw. Walang kamalay-malay si Jyx sa pagdaan nito. Para siyang nasa ilalim ng hypnosis spell na kahit isang galaw ay wala kang makikita dito bukod sa madalas na pagkunot ng noo niya at pagngiti ng kaunti.
Sa mga dumaan na araw ay may pumasok sa dungeon village na isang grupo ng mga armadong lalaki ngunit hindi din nagtagal ay nasawi din sila sa kamay ng Rank 3: One-Eyed Thousand Hand Warrior.
Simula ng araw na iyon ay hindi na muling bumalik ang lalaking may weirdong ibon sa himpapawid.
Hanggang sa kalahating buwan na ang lumipas nang muling buksan ni Jyx ang kanyang mapungay na mata.