It takes a minute para maikwento nila sa akin ang nangyari pero wala pa daw 15 seconds nangyari ang lahat-lahat. After hatiin ng One-Eyed Samurai si Kevin na parang tokwa ay mabilis na itong tumakas palayo dahil pinagbabaril ito agad nila May. Sa daming panganib na nagbabanta at sa konting pagkakamali na magagawa namin ay buhay namin ang kapalit.
Bakit nga ba kailangang mabuhay kung mamamatay ka din naman db? Lahat ng experience, emotions, memories at yung essence ng existence mo na unique lamang sayo ay instant na mawawala dahil lang sa patay kana. Parang isang building na pinagkahirapan mong buoin ng dahan-dahan buong buhay mo ay bigla na lamang ide-demolish ng ibang tao. Totoo ngang life is full of mystery and I'm not talking about the meaning behind this sentence actually what I mean is literally. Napakalaking mystery ng nangyayari sa amin ngayon. Levelup? Experience? Skills? Items? The fuck is that? Medyo within may reasonings pa yung virtual reality na papasok ka sa laro pero yung laro mismo yung papasok sa buhay mo. The hell is going on? I don't know what to think anymore.
Wala na akong magagawa kundi bumuntong hininga na lang. Matapos daw 'non ay nagmadali silang pumasok dito sa malaking bahay na ito. Nawalan ako ng malay at marami din akong natamong sugat. Hindi naman ako agad nagamot ng heal nila dahil nawalan na silang lahat ng mana. Nailibing na din nila si Kevin sa garden ng bahay.
Kompleto sa pagkaen at maraming laman ang refrigerator. Marami ding canned at instant foods. Meroon ding dalawang baril na nakatago sa likod ng santo.
Ang alam kong nakatira dito ay mag-asawang seaman. Nag ikot-ikot ako at siniyasat ko ang bawat sulok ng sa unang palapag. Ang ground floor ay mayroong dalawang kwarto, sala at kitchen na kasama na kainan at ang second floor ay di ko pa naaakyat dahil ng ito'y aakyatin ko na sana ay pinigilan ako ni Teddy. Si Teddy ang pinaka-malikot gumalaw sa amin. Masiyasat at laging curious, gaya na lang nitong pagkakataon na ito dahil depressed ang lahat sa pagkamatay ni Kevin pumasok lang sila sa malaking bahay na ito upang magpahinga hindi katulad ni Teddy na isa-isang inexamine ang bawat lugar dito sa baba at inakyat na agad ang taas.
"Bakit?" tanong ko dito.
"Magready ka. Marami sa taas at siguradong magugulat ka sa mababasa mo." Patawang sagot nito.
"Bakit ka natatawa? Anong nakakatawa?" nagtatakang tanong ko.
"Nakahanap tayo ng farming area! Basta umakyat na lang tayo!" excited na sagot nito habang dahan-dahang naakyat sa hagdan na tila mmay pagkabigilante.
"Tsk. DOTA boy." Napa-iling na lang ako.
Tumingala ako sa kisame at nagbuntong hininga. Mabilis na nagflashback lahat lahat ng nangyari mula ngayon hanggang sa bago pa mangyari lahat-lahat ng ito. Sa malaking number at casuality ng mga namatay para lang silang tubig sa ilog sunod-sunod na dumadaloy at di nananatili upang mabuhay pa ng matagal. Unti-unti silang lumalayo papunta kung san man napupunta ang mga namamatay.
Time is a great teacher, but unfortunately it kills all its pupil. Tsk tsk.
.
.
.
Napailing na lang ako.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
<Welcome to Dungeon room #7>
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pangalawang palapag ay ito na mismo ang bumungat sakin. Dungeon room #7?
Hmmpf. Ubos na ang gulat ko sa katawan dahil sa sunod-sunod nanakakagulat na pangyayaring nangyayari ngayon sa buong mundo. Napataas na lang ang aking kanang kilay at sabay tumingin ako kay Teddy.
"Tignan mo iyon bilis." Sabay turo nito sa di kalayuan.
<Imp
Small, mischievous and torturous creatures who like to play pranks on other species>
Swiss!
Bigla itong sumulpot sa tabi ko!
May hawak itong trident na sakto lamang sa kanyang katawan na kasing laki lamang ng isang bata. Tinusok ako nito sa likod at dahil sa force ng pag attack nya sakin I stumble forward pero dahil sa Iron skin ko ay hindi ito bumaon sa akin ng malalim. Nagpenetrate lamang ito sa aking balat at sa konting laman. Oo, masakit pero wala pa ito sa mga sugat na natamo ko sa loob ng halos isang linggo na puno ng life and death experience. I was like a peasant or a farmer which encountered a bloody war that hardened me like a true warrior. A wound like this cannot make me flinch anymore. Ang problema ko lang sa monster na ito ay nagbi-BLINK!
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Научная фантастикаAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...