Nagtungo ako sa kabilang kalsada kung saan may nasirang bubungan dahil sa lindol. Maraming bahay at establishment ang nasira dahil sa napakalakas na lindol. Dahan-dahan kong hinila ang yero na nahulog mula sa bubong. Hinila ko ito patawid, patungo sa mukhang zombie na nakaipit sa gulong ng truck. Syempre hawak ko pa din ang isa kong Beginner's Knife.Patuloy itong nagpupumiglas. Hinihila ang sarili upang maialis ang katawan sa pagkaka-ipit sa gulong. Umiirit ito sa nakakapanindig balahibong paraan. Dahan-dahan ko itong nilapitan. Maingat na maingat. Marahan kong binuhat ang yero na kasing laki at haba ng isang ordinaryong pintuan. Medyo pabato kong inilatag sa katawan niya ang yero ngunit tinanggal niya ito gamit ang kanyang kamay. Isa lang ibig sabihin nito. Medyo may utak pa siya.
Hmmpf.
Lumingon ako sa paligid. May mga nakatingin sakin, ang iba naman ay busy sa pagse-surf nila ng "Menu" nila.
BENG! BENG! BENG! BENG! BENG! BENG!
Shit! Nagulat ako. Napatalon ako paatras. Napatingin ako sa tatlo pang natitirang pulis. Tinanaw ko ang lugar na pinagbabaril nila. Fuck! More zombies! Kahit pinagbabaril na sila tuloy pa din sila sa pag-abante. Hindi sila naglalakad. Natakbo sila! Damn it! Kinuha ko muli ang yero. Bumwelo ako ng malayo pagkatapos ay tumalon ako sa paraang katulad ng mga skateboarders. Tinansya ko, dapat sapul ang mukha at ang katawan. Walang problema sa lower body dahil nakaipit ito sa truck. This way, hindi ako makakagat at the same time mapipigilan ko ang paggalaw niya temporarily.
PLAK!
Nawindang ito pansamantala ng bumagsak ang yerong tinatapakan ko. Pagbagsak ko humiga agad ako sa yero at diniinan ang magkabilang dulo para mahirapan siyang igalaw ang kanyang magkabilang braso. Sana gumana plano ko. Nagpupumiglas siya pero dinadaganan ko siya. Pinipilit niya akong kagatin at hawakan pero nakahadlang sa kanya ang yero na hinihigaan ko. Ganti lang ito brad, no hard feelings.
BENG! BENG! BENG!
Patuloy ang pagbaril ng mga pulis sa mga zombie. Ang mga tanod naman ay tinutulungang mag-evacuate ang mga tao palayo sa lugar. Shit! Kailangan kong mag-concentrate. Nagpa-panic na ko, ayaw tumigil ng zombie na ito sa paggalaw. Pinipilit niya akong alisin sa harap niya. Nagulat ako ng may mga kamay na humawak sa magkabilang parte ng yero. Napatingin ako sa kanan at kaliwa ko. Sa kanan, ang nurse ang tumulong sa aking i-push ang yero. Sa kaliwa, isa sa mga tanod na dumakip sa akin. Napangiti ako sa tanod. Tinanguan ko siya.
"Upuan niyo. Para mas mabigatan siya."
"Sige tol." Sagot ng tanod.
"Sige sige." Sagot ng nurse na nag-first aid sa akin kanina.
Nang maupuan na nila ang magkabilang side ng yero, hindi na naigalaw ng zombie ang kanyang mga braso.
"Ang bigat mo pala miss."
"Walangya ka." Sagot nito na para bang natatawa na naiiyak. Mix emotion.
Dahan-dahan kong inalis sa pagkakahawak ang kanan kamay ko sa yero. Tignan nga natin kung gaano katilos itong kutsilyo na ito. Inestimate ko muna kung saan ang saktong ulo niya sa ilalim ng yero at saka ko isinaksak ang kutsilyo. Parang papel na tinusok ang yero, wala man lamang akong naramdaman na resistance galing dito. Sobrang tilos pala talaga ng kutsilyong ito. Hinugot ko ito. Paghugot ko ay may mga natulo na dugo mula dito ngunit lalo lamang naging agresibo ang zombie. Mali ata, parang sa panga lang tumama. Muli ko ulit itong sinaksak mula sa nakadagan sa kanyang yero ngunit lalo lang ito nag-exert ng effort upang makakawala sa ilalim ng yero. Hindi ko matansya ng ayos ang utak niya, parang sa ilong lang tinamaan. Tsk. Bahala na. Susunod-sunod kong sinaksak ang yero na nasa ibabaw ng zombie. 1. 2. 3. 4. .... 9. 10. 11. 12. Hanggang sa feeling ko hindi siya gumagalaw.
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Science FictionAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...