2am na ng matapos namin makuha ang anim na baril at kalahating bag na bala. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito pero ang alam ko ay bala ito bahala na.Naabutan naming naghihintay sa bandang madilim na bahagi ng puno si May at ang tatlong healer na isinama namin. Tandaan ang pinakamahalaga sa panahon ngayon ay buhay kaya mas maraming healer mas ligtas. Ang tatlong Healer na ito ay puro lalaki at si May lang ang babae. Ang mga ito ay sina Alvin Malaya, Teddy Dire at Nonnee Ispiritu.
"Tara! Bilisan ninyo." Pasigaw na bulong ni May na tila nagmamadali.
Dahan-dahan kaming lumayo sa evacuation center at ng makalagpas kami ng dalawang street sa lugar na iyon ay binigyan ko ng tag-iisang baril ang bawat healer at tag-iisang Iron Skin na patago kong itinatago kapag nahuhulog sa mga pinapatay kong monsters. Tulad ko si May at Kevin ay may Iron Skin Skill na din at ang tatlong Iron Skin binigay namin sa tatlong healer ay patagong inipon namin nina May at Kevin. Ipinaliwanag ko din sa kanila kung papaano ang aming formation habang naglalakad at nakikipaglaban.
Ako sa pinakafront dahil mas sanay ako ng harapang pakikipaglaban at tiwala ako sa Beast Mode na skill ko. Sa likod ko naman sila May at ang tatlong Healer as support via heal or sa pagbaril nila pero bilang mga healer hindi din sila sanay na makipaglaban kapag nilapitan sila ng mga monsters kaya inilagay ko si Kevin at Bryan sa ligod ng apat na Healer para mgaing rear guard. Bukod din sa amin ay meroon pang Abyssal Cockroach at Frozen Lich na summon si May at Kevin.
"Bryan, bakit umbok na umbok ang bag mo? Anong mga dala mo?" pagtataka kong tanong kay Bryan.
"Puro sako, baka makakita tayo ng mga abandunadong tindahan. Sayang naman kung wala tayong paglalagyan. Hahaha"
Napatawa naman ako dahil hindi ko inaasahang boy scout pala itong si Bryan. Dahan-dahan naming tinahak ang kalsadang ito na pamilyar naman ako. Papunta ito sa Green Palms Village kung saan nakatira ang aking pamilya. Winarningan ko din ang apat na healer na wag muna magpapaputok hanggat hindi kailangang kailangan dahil bukod sa masasayang ang bala ay maririnig pa sa evacuation center.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Ahhh!!! Kailan ba mauubos ang mga ito!" Sigaw ko.
Alam mo yung World War Z na movie. Ganon kadami ang mga zombie dito sa gate ng village. Sobrang dami. Ubos na din ang mana ng dalawa sa apat naming healer. Dahil sa napakadelikado ng sitwasyon ibinigay ko sa dalawang naubusan ng mana ang dalawa kong beginner's knife. Lahat naman kami ay mayroong Iron Skin Skill kaya hindi kami mabilis na masasaktan o mainfection ng whatever virus na mayroon ang mga zombie na ito sa fucking saliva nila.
"Sa kanan!"
"Si May!"
"Wala na 'kong mana!"
"Assist-assist lang!"
"Tang ina, push lang!"
Habang kinakalaban at pinapatay namin ang mga zombie ay mabilis naming pinipilit na makapush forward at makarating sa aking bahay.

BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Science FictionAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...