Chapter 1: Metamorphosis IX

1.3K 86 1
                                    


Tumulong kami sa paglilinis ng mga zombie at hellhounds sa paligid ng evacuation center, bukod sa amin marami dn mga grupo ang nakabuo ng party pero walang nakakaalam kung paano ito gawin ng intentional. Almost 9pm na ng gabi ng matapos naming pagtulungtulungang ubusin ang zombie at hellhounds sa paligid. Tumaas ng dalawang beses ang aking level at si May and Kevin ay isa.

Nagtipon-tipon ang mga tao sa loob ng simbahan at habang ginagamot ng mga volunteers ang mga sugatan nagmimisa naman ang mga pari. Napag-alaman din naming hindi lang si May ang may skill na Heal dahil bukod sa kanya may lima pang Healer.

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Dalawang araw ang lumipas mula ang apocalyptic na event na nagbago nang lifestyle ng mga tao. Unti-unti naming nilinis lahat ng mga zombie at hellhounds sa paligid ng simbahan hanggang sa mapalawak namin ang mga lugar na safe puntahan. Unti-unti din naming nilalawakan ang teritoryo ng evacuation center at nag-iimprovise kami ng mga tent upang hindi magsiksikan ang mga tao sa loob ng simbahan.

Napagtanto naming bukod sa unang araw na nangyari ang sakuna bumaba ng bumaba ang probability na may makuhang Items or Skills sa mga napapatay naming monsters. 'Yung mga nakukuha naman namin ay ipinamimigay namin sa mga malalakas ang loob ngunit wala pang mga kagamitan or skills. Malaking tulong kapag nadadagdagan ang aming mga katulong.

Di katulad ng nakaraang dalawang araw na tumutulong kami sa pagpatay ng mga monsters, ngayon ay kinausap ko si Kevin at May. Gusto kong puntahan ang bahay ko dahil wala dito sa center ang mga magulang at tatlo ko pang kapatid na lalaki. Nang mai-open ko ito kay May at Kevin pumayag sila. Napagkasunduan din naming puntahan ang pamilya ni May at ni Kevin upang ma-confirm namin kung ligtas ang pamilya nila. Kinausap namin ang pinakahead ng military police na nakasurvive ngunit ayaw nila kaming umalis dahil mababawasan ang makakatulong nila sa pagbabantay at pagpatay sa mga monsters. Madami naman ang may kakayahan dito pero kailangan daw nang may magbabantay sa pari at sa mayor. Nadisappoint kami pero ganon-ganon na lang ba iyon? Hanggang sa napag-usapan naming tatakas kami sa evacuation center na ito.

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Ano? Nakausap mo na sila May?" Tanong ko dito.

"Oo, Tatlo sa mga Healer ang ka-close ko kaya sila ang kinausap ko na walang pamilya dito. Sinabi kong kapag sumama sila tutulungan natin silang hanapin ang nawawala nilang pamilya at the same time bibigyan natin sila ng dagdag na skills. Pumayag sila." sagot ni May.

Dahil ang mga healer ay madalas sa loob ng evacuation center at nang-gagamot lamang, hindi sila nakakakuha ng experience, items at skills sa pakikipaglaban sa mga monsters. Laging sinasabi ng Mayor at Pari na responsibilidad ninyo ito. Binigay yan ng Panginoon para tumulong kayo pero hindi ba nila naisip na bilang indibidwal may responsibilidad din kami sa sarili namin upang lumakas at mapanatiling buhay ang sarili namin. Hindi lamang iyon ginagawa pa kaming private army ng mayor at unti-unting nawawalan na kami ng kalayaan at minsa'y dinadaan pa kami sa dahas ng mga military police upang masunod lamang ang kanilang gusto. Minsan pa nga'y ginagawa kaming cannon fodder. At 60% ng mga skill book na nakukuha namin ay kailangan munang tignan ng Mayor at pagnagustuhan niya ito ay kukunin at gagamitin nya ito sa sarili niya. Sa tingin ko may walo o siyam na siyang skill para sa sarili niya. Pero sa mga MMO RPG games ano ang mga pinakamahalagang character sa bawat party? Haha, Healer diba? At sa anim na Healer apat ang mawawala sa kanila. Rebelde kung rebelde pero kailangan naming makaalis dito upang mahanap ang pamilya namin.

"Sabihin mo mamayang 2am kapag tulog na halos lahat. Ako at si Kevin ang naka-schedule para bantayan ang likod. Maghanda na sila pati ikaw. Susubukan namin ni Kevin na nakawin yung mga tinatago-tago ni Mayor na mga baril at bala storage room ng dorm ng simbahan."

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon