Chapter 1: Metamorphosis XII

1.2K 83 1
                                    


"Beast Mode: On!"

Unti-unting nagdilim ang paningin ko. Nangangapal ang pakiramdam ko sa aking balat. Unti-unting nagtitindigan ang aking mga balahibo habang parang nagging observer na lang ako sa aking mga mata. Medyo blurred ang aking paningin. Kita ko pero hindi ko na kontrolado ang sarili ko. Tila may sumanib sa aking demonyo. Hanggang sa nawalan na ko ng malay......

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Ang sakit ng ulo ko. Fuck. Mabilis kong minulat ang aking mata at hinawakan ang aking ulo. Tang ina sobrang sakit!

<Level Up!

All status attributes (+) 20%

Strength: Low+ (80%)
Agility: Low (60%)
Intelligent: Low (80%)
Vitality: Low++ (80%)>


note*Attribute tier: Low, Low+, Low++, Moderate, Moderate+, Moderate++, High, High+, High++, Very High, Very High+, Very High++, Extreme, Extreme+, Extreme++ and so on...... hahahahah hanggang dito muna


Wow naglevel up ako! Di pa nagsisink in sa utak ko na naglevel up ako ay may lumabas na....

<Welcome to the Green Palms Village Dungeon.

Until the One-Eyed Samurai isn't dead, all the monsters, human and other species inside the dungeon cannot leave.>

Dungeon? Green Palms Village Dungeon?

Ang village namin naging dungeon? Ano ito laro? Human? Other species?

Inisa-isa ko lahat ng information sa utak ko pero wala. Wala talaga akong magets. Ano ito? Sword art online in real life pero zombie ang kalaban?

<Dungeon boss: One-Eyed Samurai

Boss Difficulty: 1>


note*Ang boss difficulty is from 1-9


Nalilito na ako. Wala na kong maintindihan sa nangyayari.

Hanggang sa unti-unti'y nawala at nagcalm down naman ako. Tiningnan ko ang aking paligid, laking gulat ko ng marealize ko na nasa isang kwarto ako.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si May, Bryan, Alvin, Teddy at Nonnee.

"Nasan si Kevin?" tanong ko sa kanila.

Walang nasagot. Tinanong ko ulit sila ng isang beses pero wala pa ding nasagot. Kinabahan na ko. Biglang umiyak si May. Takot na takot sya. Nanginginig ang kanyang buong katawan.

"Patay na sya!" Sigaw nito habang naiyak.

"Pa-patay na si Kevin. Tayo na ang susunod. Iisa-isahin nila tayo. Hindi na tayo makakalabas dito."

Nilapitan ko si May. Kitang kita sa kanya ang takot hindi lang sa kanya pati sa iba din naming kasama. Pati ako ramdam ko na unti-unting may gumamagapang na takot  sa aking puso. Natatakot din ako na baka ako na ang sumunod. Niyakap ko sya. Ramdam ko ang takot nya at pagkalungkot. Maikli man ang pinagsamahan namin ni Kevin pero marami kaming life and death na situation na nalagpasan at alam naming kahit nakatalikod kami may isa sa aming tatlo ni May ang magbabantay ng likod namin.

Pinakalma ko muna ang lahat dahil kita ko na lahat kami ay takot at napaparanoid. After 30 minutes kumalma din ang lahat at nalaman ko na habang nakikipagpatayan kami sa mga zombie at hellhounds ay nagmomove forward kami papasok sa village. Dire-diretso daw ako na parang walang kasama. Pinapatay ko lahat ng zombie na makaharap ko. Hanggang sinundan nila ako na tila ako ang tanker habang sinusoportahan at inaalalayan ako ni Kevinat Bryan. Nang mapatapat daw kami sa isang malaking bahay na may pulang gate aymay tumalon daw mula sa puno sa tabi nito. 

Paglanding na paglanding daw nito mula sa puno ay tumalon ito papunta sa akin. May hawak ito na samurai sword at tila aatakihin ako horizontally. Sinangga ko daw ito ng beginners knife gamit ang aking kanang kamay at sabay tinusok ko daw ng kaliwang daliri ng napakalakas ang mata nito.Sinipa daw ako nito pero iniumpog ko daw ang aking ulo sa tuhod nito na sabay sa pagsipa nito. Biglang  tumakbo paikot si Kevin sa likod nito ng biglang may lumabas na pangatlong kamay sa  likod nito at hiniwa si Kevin sa dalawa na parang tokwa.    

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon