Ang sakit ng ulo ko. Fuck. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at hinawakan ang aking ulo. Tang ina sobrang sakit! Unti-unti akong umupo at saka ko lang namalayan na nasa higaan na ko. Tumingin ako sa kanan at sa kaliwa ko. Nakaupo si May at si Nonnee sa tabi ko habang hiniheal ako. Ang sakit ng buong katawan ko. Dahan-dahang naging clear ang utak ko ng binigyan ako ni May ng tubig.
<Ding!
Congratulation! Your Rank 1 Iron Skin LEVEL UPED into a Rank 2 Hornblende Skin>
<Rank 2 Hornblende Skin (PASSIVE)
Once there is a civilization of species that has a skin of a black hornblende. They dominate their whole rank 3 planet and destroy the other species for them to live peacefully. This rank 2 hornblende skin will harden your skin like a black hornblende.
(+) 300% Vitality
(+) 200% Strength>
"Status!" pabulong kong sinambit sa sarili ko.
<Name : Jyx Daeheart
Level : 4 [15%]
Class : None
Health : 300 (100/level)
Mana : 100 (25/level)Strength: Low++ (80%)
Agility: Low (60%)
Intelligent: Low (80%)
Vitality: Moderate (80%) >
"FUCK! LUPIT!" biglang laki ng mata ko ng makita kong nag lelevel up din pala ang skill!
Moderate? Low++ pa nga lang ang vitality ko bihira na ko masugatan sa sobrang kunat ng balat ko tas ngayong moderate na siguradong GODLIKE na ko!!!!!!!
Nagulat si May sa bigla ko pagsisigaw, bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Anong nangyari Jyx? Masakit pa ba ang katawan mo? May nararamdaman ka pa bang kung ano? May lagnat ka o nagugutom ka na? ano? Ano ng nangyayari sayo? Ok ka lang ba? Wait lang iinom lang ako lesser mana poition tapos i-hiheal na ulit kita. Mahiga ka muna ulit. Sige na, mahiga ka muna. Bakit nanglalaki mata? Hindi ka ba makagalaw? Masakit ba mata mo? Magsalita ka naman Jyx? Iniwan na nga tayo ni Kevin wag mo ko iiwan. Mag-iisa na lang ako kapag iniwan mo pa ko. Magpakatatag tayo." Sunod-sunod na pagsasalitang ginawa ni May na parang machine gun habang dahan-dahang pumapatak ang kanyang luha.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Pinatawag ko sina Bryan,Teddy at Alvin kina May at Nonnee upang i-share sa kanila ang nangyari sa akin paggising ko matapos humupa ang kaba at pag-iyak ni May ng hindi ko alam kung bakit. Siguro sumabog na ng tuluyan ang kanyang dibdib at di na kinaya ang pressure.
Ikinuwento din namin sa kanila ang natuklasan namin ni Teddy sa 2nd floor ng bahay na ito. Matapos daw ako sumigaw ng malakas ay nagwala na daw ako. Kung ano anong gamit daw ang pinagbubuhat ko at ipinagbabato sa mga imp. May mga tinamaan pero marami pa din ang nag blink out and blink in habang inaatake ko. Sunod-sunod daw nila ako pinagtutusok ng trident nila. All of the remaining 19 imp toyed me when I'm in my beast mode:on skill. Naiwan daw si Teddy sa isang gilid dahil hindi na daw siya pinapansin ng mga ito at tila mga bata ang mga imp na nakahanap ng laruan ay pinag aatake daw ako ng pinag aatake buti na lang at may iron skin ako at may 4 lesser mana potion si Teddy upang suportahan ako gamit ang heal bago dumating at makahalata sila Bryan na hindi pa din kami nababa mula sa 2nd floor.
Napagconclude namin na kaya naglevel up ang aking iron skin ay dahil sa sunod sunod na ataki ng mga imp sa akin. Kung hindi daw sa dalawang factor na gaya ng iron skin at ang lesser mana potion ni Teddy ay sigurado sa malamang patay na ko dahil hindi kakayanin ni Teddy na continuously akong i-heal sa sitwasyon na iyon . Hindi naman malakas na kalaban ang mga imp ang nakakatakot lang sa kanila ay ang blink na skill nila at ang dami nila na sabay sabay nagbiblink at naatake.
Habang nagmimeeting kami ipinagluto kami ni May ng ginisang sardinas na may kanin. Nagtanong ako ng oras pero hindi nila alam kung anong oras na. Hindi nagbabago ang kalangitan crimson pa din at sira naman ang orasan sa bahay na ito. Malamang sa malamang pinasok ito ng zombie pero umalis din naman ng mahalatang wala ng buhay dito.
At the end of the meeting napagkaisahan naming bawat isa sa amin ay susubukang mapalevel up ang rank 1 Iron Skin namin. Remember lahat kami meroon nito. Bihira lang ito mapulot at itinakas ko lang ito sa evacuation center. Napakalaking advantage nito sa aming survivability if ever na magsuccess ang plano naming ito.

BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Fiksi IlmiahAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...