Chapter 1: Metamorphosis XIV

1.1K 69 1
                                    


"Pano ito naging farming area Teddy!" sigaw ko kay teddy habang bigelanteng nakaharap sa Imp.

Inattack ni Teddy ang Imp mula sa likod nito pasaksak sa gitna ng dalawang maliit na pakpak nito ngunit biglang nag-blink nanaman ang imp palayo sa amin. Ang komprontasyon na ito ay nagdala ng ingay kung saan nakapagbuo ng malaking commotion na nakapagtawag ng pansin ng iba pang Imp.

Mahigit nasa 20 Imps ang nagblink paikot sa aming dalawa ni Teddy.

"Pano ito naging farming area Teddy?" tanong ko muli dito.

"Kasi mahihirapan man tayong pumatay pero pwede nating gawing training ground itong dungeon room na ito. Napansin mo ba ang attack nila gamit ang trident dahil sa iron skin halos 5% lang ang damage na nareceive mo diba? At lahat tayo may Iron Skin hindi ba? Apat kaming healer diba?" Nakangiting sagot nito sa akin na tila bilib na bilib siya sa sarili niya.

Napataas ang kilay ko doon ahh. Napaisip ako pero biglang nagblink ang lima papalapit sa akin at tatlo kay Teddy.

"Magbeast mode ka na dali! I-susupport kita!" Sigaw ni Teddy.

Napalingon ako sa kanya pero wala ng panahon, dadalawa lang kami di namin kakayanin ang number ng mga imp na ito.

"BEAST MODE: ON !"

Medyo nasasanay na ako sa pakiramdam na ito. Nangangapal ang aking balat at tumitindig ang aking balahibo. Medyo nagb blur ang aking paningin pero di kagaya dati may diwa pa ako. Medyo nakakapag-isa pa ko. Hawak-hawak ang beginner's knife ko tumalon ako sa ere at isinipa ko mula sa ere ang aking paa pababa na para axe na hahatiin ang isang log of wood.

BANG!

Natamaan ko ang imp, pagbaba na pagbaba ko galing sa ere nadurog ko ang bungo ng imp na naapakan ko ngunit bago pa ko makareact inatake ako ng 9 na imp ng sabay sabay. Dahil sa pagkamatay ng isang imp sa aking kamay nalure ko halos lahat ng imp na nasa malapit sa akin. Sabay-sabay nila akong tinusok ng mga trident nila.

"Fuck! Heal! Heal!" Sigaw ko kay Teddy na may kinakalaban din na mga Imp.

Sinubukan kong mag 360 degree kick from left to right pero nagblink-out lang sila sa area na hindi abot ng sipa ko at pag tapos ko mag 360 degree kick nagblink in ulit sila at sabay sabay na tinusok ako ng trident na hawak nila.

"AWWW!" napasigaw ako sa sakit.

Ikaw ba namang tusukin ng trident ng sabay sabay paikot sayo.

Sayang man dahil limited lang ang bilang ng lesser heal potion namin pero wala na akong magagawa kung hindi gamitin ito!

Ininom ko ang kalahati ng lesser healing potion at ibinalik ko ito ng mabilis sa aking inventory. Ipinaliwanag ko ito sa mahabang paraan pero saglit lamang nangyari ito sa loob ng kulang-kulang isang minuto.

Ini-slash ko ang aking beginner's knife vertically pero nagblink out lang muli ang mga imp ngunit isinabay ko ang pagsipa sa bandang kanan ko. Luckily, may tinamaan ako ngunit sa pakpak lamang nito. Dahil sa low+ kong strength nabali ang kanang pakpak nito. Tumalon ako ng mabilis kung saan sumipa ako ng malakas sa sahig para ma-enhance ang aking talon patunong sa tinamaan kong imp. Kasabay ng mga nangyaring ito nagblink out ang mga imp na nakapaligid sa akin na akala nila na aatake ako sa kanila.

Paglanding na paglanding ko sa harap ng imp na naputulan ng pakpak ay agad kong na-grab ang kanyang ulo gamit ang kaliwang kamay at isinaksak sa puso ng maliit na katawan ng imp ang beginner's knife.

"Ang pakpak! Sirain mo para di makablink Ted................aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhroarrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!"

Biglang tumibok ang utak ko't nagdilim ang aking paningin! Kulang-kulang 5 minutes! Kaya ko ng kontrolin ang katawan ko sa loob ng kulang-kulang 5 minutes! Ang balahibo ko nagtitindigan kasabay ng sunod-sunod na pagtibok ng utak ko. Di lang 'yon, kasabay nito ay sunod-sunod akong inaatake ng mga Imp na nakapaligid sakin. Dahil din sa pagsigaw ko ng malakas sanhi ng sobrang sakit ng utak ko at ng balat ko ay nahikayat at nalure ko ang mga imp kasama na din ang nakakalaban ni Teddy.

Kitang-kita sa mga mukha ng mga Imp na ito ang maliit na ngiti sa kanilang labi.

Dahan-dahan ng nawawala ako sa isip ko.

Nagdidilim paligid ko.

Nakahawak ako sa aking ulo na parang pinipisa ko ito sa sobrang sakit ng biglang nanginig ang aking katawan at parang narefresh ang buong katawan ko. Ang lamig parang mentol hanggang sa...

....dilim na lang ang nakikita ko at wala na 'kong nararamdaman kung hindi tila nalutang ako sa kalawakan. 

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon