End of Chapter 1: Metamorphosis XX

1.2K 74 1
                                    


Nasayang na buhay?

Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay? Nasayang na buhay?

Paulit-ulit itong nag-echo sa utak ko. Palakas ng palakas.

HINDI SAYANG ANG BUHAY KO! PINAGHIRAPAN NG MAGULANG KONG BUHAYIN AKO!

Pinipilit kong magkamalay!

Hindi kamatayan ang kinakatakutan. Hindi kamatayan ang sagot. Hindi kamatayan ang pinaka malaking kawalan sa buhay ng isang tao! Kung hindi ang namatay sayo habang nabubuhay ka pa.

Parte lang ng buhay ang kamatayan. Life is Death and Death is a Life.

There is no Death without a Life. Ang tawag dun absence of existence!

There is no Life without Death. There is no immortality.

Immortality?

And then bigla na lang nagclick sa utak ko...

THERE IS DEATH WITHOUT LIFE. THAT'S IMMORTALITY AND INFINITY!

THERE IS LIFE WITHOUT DEATH. THAT'S IMMORTALITY AND INFINITY!

INFINITY?

IMMORTALITY AND INFINITY IS TIME!

Bigla na lang umikot lahat. Ang mundo ang paligid. Lahat-lahat ay umiikot sa isang direksyon.
Naririnig ko ang malakas na pagkulog and...

BANG!!!

Napamulat ako.

BANG!!

Ang bilis ng pangyayari. Mabilis na binutas ng puting puti na kidlat ang bahay na kinaroroonan namin. Mabilis na nakaramdam ng takot ang monster boss na pinagpifiestahan ang aking hita. Agad itong tumalon ng mabilis palabas ng bahay palayo sa naramdaman niyang panganib. Kung baga instinct.

BOOM!

Pagtama na pagtama sa akin ng puting kidlat ....

BOOM!

Isa namang itim na kidlat ang muling tumama sakin.

Ngunit sa halip na sakit ng pagtama ng kidlat ang naramdaman ko ay pakiramdam ko unti-unting tumatanda ang katawan ko.

Dahan-dahang humahaba ang mga buhok ko. Nangungulubot ang balat ko. Unti-unting gumagaling at naghihilom ang bawat sugat ko.

.

.

.

Hindi ko na alam kung gaano katagal ang oras na lumipas. Mabilis na dumaan ang mga araw ngunit patuloy pa ding binabalot ng kulay puti at itim na usok ang aking nadisfigured na katawan.

Kapag may taong makakakita sa akin sa sitwasyong ito aakalain niyang mahigit isang daang taon na ako. Isang matanda na putol ang paa at hanggang tuhod na lang ang natira. Walang dalawang braso at puro kulukulubot ang balat. Hanggang paa ang puting buhok at hanggang tiyan ang puting balbas.

Hanggang sa unti-unti nang matuyo lahat ng tubig ko sa katawan sa katandaan ng aking katawan. Ramdam ko nanaman na unti-unti akong kinakaen ni kamatayan. Hanggang sa huling hibla ng aking buhay at least namatay ako sa katandaan ngunit sa maikling panahon lamang.

"Hahahahahahaha, isa nanamang buhay! Sariwang kaluluwa na maiaalay!"

"Teka!"

"Ikaw din 'yung nakaraang linggo ah!"

Ramdam ko na parang may sumasakal sakin hindi sa katawan...

Parang sa kaluluwa...

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Tila napaso ang sumasakal sakin, bigla akong binitawan nito at tumawa.

"HAHAHAHAHAHAHA! Hindi ko akalain na may makikita akong katulad mo dito sa maliit na mundong ito bata!"

"Kamatayan at buhay... Kamatayan at buhay... Buhay at Kamatayan... Buhay at kamatayan!"
.

.

"Anong pinagkaiba?"

"Nabuksan mo ang dalawang pinto ng sabay bata! Ituloy mo lang ang pagtahak sa daan na yan!!!"

Shoooo!

Shoooo!

Tila hinihipan ng boses ang kanyang napasong kamay.

"Tsk. Kung alam ko lang na nagka-insight ka lang edi hindi ko sana hinawakan ang Heavenly Flame na binigay ng Heavenly Tribulation!"

"Hmmpf."


*Note: Heavenly Tribulation- ito 'yung kidlat nalumalabas if may magkaka-insight sa isang specific na element. 

Fire= pulang kidlat 

Water=Blue
Earth=Brown

Air=Green
Light=Gold
Dark= Grey
Life=White
Death=Black

Heavenly Flames- ito 'yung usok na kulay puti at itim na bumabalot sa katawan ni Jyx after siyang tamaan ng Heavenly Tribulation. Nagsisilbi itong protection and nililinis nito lahat ng impurities sa body and soul ng taong nagkainsight sa element. Ang kulay ng usok o Heavenly Flames ay nakadipende sa element.*


Dahan-dahang nauubos ang aking lakas, kung ihahambing mo ito sa bagay ay kanina kasing laki pa ito ng isang bato pero ngayong isa na lang itong buhangin. Kasing liit ng buhangin.

Kung kailan akala kong mawawalan na ko ng buhay para namang ilog sa lakas ng pag-alon ng enerhiya sa aking katawan.

Dumaan ang mga araw. Isang buwan ang nakalipas ng hindi ko namalayan.

Iminulat ko ang aking mata mula sa pagkakahimbing. Pulang pula pa din ang langit. Kinamot ko ang aking buhok na napakahaba.

Kinamot?

Tiningnan ko ang aking dalawang kamay na may paghanga sa kung ano mang magic ang nangyari sa akin. Pati ang aking paa ay kumpleto at walang peklat!

<Ding!

Excellent!

You gained a slight insight within your death and come back to life through the Profound Mysteries of Life and Death.

Although this two Cosmic Element contradict each other since the creation of the cosmos which is older than all of the universe, you who is in the face of death gained insight and fuse it together to be reborn using the Heavenly Flame.>


<Profound Mystery of Life: 5%>


<Profound Mystery of Death:6%>


<You can now change your class.

Please choose from the following:

*Holy Necromancer
*Corrupted Acolyte
*Twilight Warrior
*Life Magus
*Death Magus
*Divine Witch>

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon