Jyx POV
May mahigit isang daang armadong tao ang lumabas sa malaking gate ng evacuation center. Ang lahat ng ito ay puro seryoso ang mukha at may iba pa ngang galit na galit ang expression at ang lahat ng ito ay nakatingala lahat sa akin.
Mabilis na itinutok sa akin ng mga ito ang mga iba't ibang uri ng baril. May iba din na nag materialize na ng iba't ibang skill na puwedeng ipang ataki sa akin kapag inutos ng leader nila.
Ito ang dahilan kung bakit napakunot ako ng noo. Ang dami nila. Napasubo ata ako ah.
"NASAN NA ANG MAYOR NINYO!"sigaw ko sa mga ito mula sa taas habang nakasakay kay Alpha.
"BAKIT KA NAANDITO AT BAKIT MO INAATAKI ANG EVACUATION CENTER NAMIN!" tanong ng tila leader ng grupong lumabas mula sa gate na nasa likod.
"KAKAUSAPIN KO ANG MAYOR NINYO!"
"AKO NA LANG ANG KAUSAPIN MO!"sigaw nito sa akin.
Natahimik ako saglit at nag-isip. Mukhang itinatago nila sa akin ang Mayor nila.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Mayor's POV
Sa tinutuluyan ng Mayor
"Rex! Mukhang hindi ko na kayo maiipahatid sa aking mga gwardya dahil nagkaroon ng kakaunting problema sa east gate namin." Sabi ng Mayor sa lalaki.
"Hahahaha! Anong problema baka matulungan namin kayo."
"May isang lalaki ang nagwawala at gusto daw nitong makipag-usap sa akin. Hindi ko na kayo iistorbohin pa dahil alam kong mahaba pa ang inyong lalakbayin patungo sa calamba. Kapag may pagkakataon ay dadalaw kami sa inyo."
"Mayor! Bilang tanda nang ating pagtutulungan ay kami ng mga tauhan ko ay handa kayong tulungan at isa pa'y ang sabi mo ay iisang tao lang ito hindi ba." Napailing ito sa lalaking nagawa ng gulo sa labas ng evacuation center.
"Hahahaha sige Rex ngunit baka hindi na natin abutan ito dahil pinapunta ko na doon ang aking mga gwardya. Sa totoo lang ay hindi na nga dapat nating pag-sayangan ng panahon ang lalaking ito." Sagot ng Mayor.
"Biglang nawala ang mga zombie sa mga kalsada dahil tapos na ang tutorial Mayor. Sa tingin ko'y magkakaroon na ng sunod-sunod na ganitong pangyayari! Dapat ay bigyan natin ng example lahat ng magtatangka sa katahimikan ng evacuation center mo!"
Saglit na napaisip ang mayor at sa huli ay pumayag na ito nang tuluyan.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Sa labas ng east gate sa evacuation center
Darwin's POV
Malakas na nagtawanan ang mga private army at gwardya dahil sa sinasabi ng lalaki na may puting buhok.
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Science FictionAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...