JYX POV
Sa kipot at dikit-dikit na improvised na bahay dito sa evacuation center ay naging makipot ang daan. Sa daang ito ay tricycle lang ang maaari mong ipasok na sasakyan.
Sa hindi kalayuan ay mayroong limang tricycle na paparating. Sa likod ng tricycle na ito ay may nakatali na malaking cage na may gulong! Higit higit nito ang mga cage sa pag-andar. Sa loob ng cage ay may di mabilang na tao. May mga sobrang tatanda na, mga mukhang mamamatay na, may mga sobrang may sakit na, mga kalansay na ang katawan, at may mga hindi na nagalaw.
Tumigil ito sa kanang bahagi namin.
Bukod sa limang tricycle ay mayroon pang sumunod. Medyo kakaiba ang tricycle na ito, medyo malaki. Nang palapit na ito ay may napansin akong ikinataas ng dugo ko sa ulo!
May mga nakataling babae sa taas ng tricycle. Mga walang braso at hita! Tumigil din ito sa kanang bahagi namin!
Mabilis na pinababa lahat ng nasa cages at isa-isang ibinaba ang mga dalagang walang braso at kamay! Hindi katulad ng mga nasa cages na pagbaba ay nagkagulo, ang mga babaeng ito na walang braso at hita ay walang kagalaw-galaw simula nang ibinaba.
MAY IBA PA NGA DITO NA HINDI SINASADYANG NAGPAGULONG-GULONG SA PUTIKAN NGUNIT ANONG MAGAGAWA NILA. HINDI SIYA MAKAKATAYO MAG-ISA!
Kita mo sa mga mata ng mga nakapaligid dito na mga nakaputi at mga gwardya ang pagkadiri at pagtawa ng kanilang mga mukha. Kita mo ang pagka-arogante at pagka-pagmataas nila. Ang tingin nila sa mga ito'y bagay hindi tao. Mga laruan na ipampapalit para sa 'de lata.
Unti-unting nag-init ang tenga ko. Nakita naman ito ng Mayor. Kumindat ito sa akin at tumawa katabi ang pari. Ngumisi lang ang pari sa akin tapos lumingon sa mga babaeng itinuring nilang laruan.
HINDI NA ITO MGA SEX SLAVE DAHIL GINAWA NA SILANG SEX TOYS!!!
"65 na katao, hindi ba?" sabi ng pari!
"Ayan na ang 65! Akin na ang mga 'de lata!" sambit nito muli.
"Anong gnaw ninyo sa mga babaeng ito! At bakit puro matatanda at may mga sakit ang ibinigay mo sa akin!" tanong ko.
"Ang sabi mo ay 65 na katao. Wala kang sinasabi kung ano ang 65 na ito! Kung ayaw mong tanggapin ay maaari na kayong umalis!" sigaw ng Mayor habang lapad-lapad ang ngiti sa kanyang mga labi na tila na-isahan ako.
"Sa totoo lang puwede mo pa ngang ihiling na gawing isang daan! Hahahaha! Dagdag lang ang mga ito sa mga bitbitin namin!"sambit muli ng Mayor.
Nag-isip ako ng kaunti na tila pinapalabas 'kong nagdadalawang isip ako!
"Dalawang plastic ng 'De Lata pa sa mga ito!" sagot ko!
"ABA HINDI KA PALA MARUNONG TUMUPAD SA SINASABI MO. HAHAHAHA"
"WALA KANG KWENTANG KAUSAP!" galit na sambit ng Mayor
Nakatitig lang ang pari. Itinaas nito ang kanan na kamay niya upang isenyas na tumahimik muna ang Mayor.
Nakita ito ng Mayor. Kita sa mga mata nito ang galit sa pari! Masyado siyang minamaliit nito na tila ang turing sa kanya ay tauhan lamang nito!
"Apat na plastic, sa isang daang katao!"
"Hindi na kailangan! 65 lang ang kailangan ko!"
"Bilang offer para sa katahimikan ng dalawang grupo! 125, sa 4 na plastic!"
"Sakto na ang 65!"
"Kaibigan! Alam namin ang naging kasalanan namin. Gustong gusto ko talagang makabawi sa iyo! 150! 4 na plastic!"
"65 lang ang kailangan ko!"
Alam ko kung anong tunay na nangyayari. Hindi nila ako maloloko. Nagiging pabigat na sa kanila ang mga taong ito. Nasasayang ang resources at oras nila dito. Nakaka-consume din ang mga ito ng space sa center na imbis na maibigay sa mga kapakipakinabang na gwardya at iba pang fighters ay napagtatambakan nila ng mga taong ito.
Gusto nilang i-alis ang mga ito. I-dispose in a good way. They truly want to hide their true color.
"Dalawang plastic ng 'de lata para sa 65 na katao. Sa ngayon ay sapat na muna ito." Sagot ko dito.
"Sige! Ilapit sa kanya ang 65 na katao na ito!" Sigaw ng pari sa mga gwardya na nagdala sa mga kaawa-awang mga nilalang na ito.
Kitang kita mo sa ngiti nito na tila nakabenta siya ng isang lugaw sa halagang isang libo! NGITING SCAMMER!
Napatawa na lang at napa-iling ang Mayor sabay sambit ng...
"Ang magbabasura sa huli basura pa din ang pupulutin! Hahahaha."
Mabilis na binuhat ang mga ito sa harapan namin. MAY IBA PA NGANG BASTA NA LANG IBINABATO!
Lumapit ako sa pinakamalapit sa akin na babae na limbless. Puro pasa ang mukha nito at ang nipis nipis na ng buhok.
Dahan-dahan ko siyang inayos ng tayo kahit wala na siyang hita. Patay na ang mga mata nito at wala ka nang makikita na imosyon dito. Kahit kakarampot na takot ay wala.
"Sa mundong natin ngayon ang mga may kapangyarihan na lamang ang may karapatang mabuhay ng maayos ngayon...." Ibinulong ko dito.
Hinawi ko ang mga buhok na halos magkabuhol-buhol na sa ganit sa mukha niya. Nakaharang ito sa kalahati ng kanyang mukha.
Tinitigan ko ito at tinanong...
"Gusto mo ba ng kapangyarihan?" nakangiti kong tanong dito.
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Научная фантастикаAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...