Chapter 2: Hundred EviL Soul's Parade XX

1.1K 73 4
                                    


Darwin's POV


Sunod-sunod ang ingay na narinig ko sa aking likod. May nag-iiyakan at may tila nahihirapan. May mga iyak at tawa ng sanggol, bata, babae, at lalaki. Nakakakilabot!

Hanggang sa may makita ako na sira-sirang Toyota HiAce sa hindi kalayuan. Dali-dali akong pumasok!

PUTANG INA! HOLY MOTHER OF THE FUCKING COW!

Parang tumigil ang puso ko't naging zero degree ang lamig ng katawan ko nang makita ko mula sa bintana ng HiAce ang tunay na nangyayari sa mismong harap ng gate!

ANG DAMING MULTO!

May mga gumagapang, naglalakad na sanggol, may mga mukhang nalipad sa himpapawid, may mukhang mga demonyo, may kalahati lang ang katawan!

Sobrang dami!

Nanginginig ang buong katawan ko. 'O diyos ko!

Sabay-sabay ng mga itong kinakain ang katawan ng mga kasamahan ko sa evacuation center. May iba pa ngang sinapian at naglalaban habang nagtatawanan. May ibang pinapatay ang sarili!

.

.

.

Hanggang sa walang natira sa mga gwardya at private army na nagmatapang at tumawa sa lalaking may puting buhok. Nagpakalat-kalat ang mga multo sa paligid. Hanggang sa buong area na lagpas pa sa tinataguan ko ang lawak ng may mga pakalat-kalat na multo.

"Sa lahat ng mga tumakbo... bibigyan ko pa kayo ng dalawang pagkakataon." Sambit ng lalaki na tila naging uling sa itim ang mata na hindi katulad kanina na tila silver ang kulay.

Galit na galit ang ugat nito sa buong katawan. Ang mga kuko nito sa katawan at humaba at nangitim!

Pumapaikot din sa katawan niya ang nakakatakot na usok na sobrang itim. Tila isa siyang demonyo na umakyat mula sa pinaka-kailailaliman ng impyerno kung saan doon siya ikinulong sa loob ng isang milyong taon!

PUTANG INA SINO ANG NAGPAKAWALA SA DEMONYONG ITO!!!!!!!!!

"Bibilang ako ng lima, lumabas kayo sa mga tinataguan niyo at ipinapangako ko sa inyong walang mangyayari sa inyo. Alam ko kung nasaan kayong lahat. Nakatitig sa inyo ang mga kaluluwa ko."

"1"

.

.

"2"

.

.

"3"

.

.

FUCK YOU MAVIS!!

BAKIT KA LUMABAS!

Mula sa isang gumuho na dating canteen ay may lumabas na babae. Nakatali ang buhok nito at nakakamiseta lamang. Kitang kita sa braso nito ang hubog ng kanyang muscle pero imbis na maging bulky ito ay mas naging sexy ang figure niya. Sakto lang ang pagkakahubog.

Seryosong seryoso ang mukha nito at tila kinakabahan habang naglalakad patungo sa lalaking may puting buhok. Lumapit ito ngunit hindi malapit, medyo malayo pero hindi malayong malayo.

Halata mo 'din sa porma ng dalawang paa nito na handa itong tumakbo sa kahit na anong oras.

"4"

.

.

Sunod-sunod na naglabasan ang iba ko pang mga kasamahan. Karamihan sa mga ito ay galing din sa pangatlong pangkat na may skill na Detect Danger.

TANG INA! TANG INA! TANG INA! TANG INA! TANG INA!.....

Parang isang mantra ko itong sinambit sa sarili ko habang dahan-dahan at maingat ako nababa sa sira-sirang Toyota HiAce.

Lumapit ako sa di karamihang grupo na naglabasan din mula sa kanilang pinagtataguan. Hindi nagtagal ay marami ding sumunod at naglabasan. Umabot kami ng thirty mahigit. May mga lumabas din na mula sa una at pangalawang grupo.

"5"

"Patayin lahat ng mga nakatago pa't walang balak lumabas!"

Ito'y sinabi niya ng pabulong ngunit rinig na rinig ito ng lahat ng mga nagsilapitan sa di kalayuan sa kanya.

Sunod-sunod ang pagsigaw at pagmamakaawa ng mga tao na nagtago at natakot na lumabas. May mga lumabas at natakot ngunit pinagpapapatay pa din sila ng mga multo.

"Sabi ko hanggang lima lang. Ang ayoko sa lahat hindi marunong sumunod. Diyan nag-uugat ang pagtatraydor."

"Collect Soul!"

Para namang naging vacuum ang katawan nito dahil lahat ng mga pinaalpasan niyang mga multo ay nabalik sa katawan niya ngunit bukod dito ay may nakita kaming hinding hindi namin makakalimutan sa buong buhay namin.

Mula sa bawat bangkay na nakakalat sa lugar na ito ay may nasigaw at nahingi ng tulong. Hindi nagtagal ay naglabasan ang mga kaluluwa ng mga gwardya at private army ni Mayor! Ang mahigit isang daang kaluluwa ng mga ito ay dahan-dahang nagsilabasan sa mga katawan nila't mabilis na hinihigop ng katawan ng lalaki na may puting buhok.

Katahimikan...

.

.

.

Isang nakakapanindig balahibong katahimikan.

Matapos ang pangyayari, sa oras na maubos lahat lahat ng kaluluwa sa paligid.

Isang nakakabingi at nakakayanig na katahimikan ang umataki sa amin.

Marami sa mga lumapit ay unti-unti ng naatras sa sobrang takot!

Mga nanginginig sa takot!

"Walang gagalaw."

Bumalik na ito sa dati nitong itsura na tila isang banal na nilalang na may aura ng isang eleganting tao.

Kung tititigan mo ito'y may kakaunti kang makikita na kulay puting aura na pumapaikot sa buong katawan nito.

Lumingon ito kay Mavis. Tinitigan niya ito saglit at saka nagsalita.

"Lumapit ka dito. Dahil ikaw ang unang lumabas ikaw ang una kong bibigyan ng pagkakataon."

Nag-aalinlangan si Mavis ngunit tila may naisip siya na dahilan upang lumapit sa lalaki kahit punong-puno ng takot ang kanyang mata.

Sa tingin ko ay parehas kami ng naisip. Lahat ng tao dito ay parehas ng naisip. Naisip namin ang sina bi ng lalaki.

Ang ayoko sa lahat hindi marunong sumunod.


Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon