Chapter 1: Metamorphosis I

5.1K 150 5
                                    


Jollibee, Tanauan City, Batangas, Sept. 07 2015, 3:00pm


"Nadala mo na ba lahat ng dapat mong dalhin? Hon."

"Oo, buti hindi ako naabutan ng step-dad ko. Masasampal nanaman ako 'nun."

"Hindi ka maabutan 'nun, nakita siya ni Kevin sa sabungan kani-kanina lang."

"Papaano mo nalaman hon."

"Katext ko mga tropa. Nagpapatulong ako."

"Mag-order ka muna ng pagkaen natin tapos aalis na tayo hon. Don't worry akong bahala sayo."

"Thank you hon. I love you so much. Punta na ko counter, dyan ka muna."

Oo, napakahirap mabuhay sa mundo. Bawat tao may kanya-kanyang problema. Problema sa pera, sa pag-aaral, sa pamilya, sa relasyon, sa mga kaibigan at sa uri ng pamumuhay pero kasama talaga ito sa buhay ng bawat tao. Lahat nakakaranas nito. Kung ang isang tao ay walang problema, lahat ng gusto ay nakukuha at lahat ng tao sa paligid nito ay sumasang-ayon at walang nakakasalungat para saan pa't nabuhay siya. Walang essence ang existence niya.

Ako nga pala si Jyx Daeheart, 19 years old. Isa akong I.T. student sa Batangas State University. Napakaswerte ko sa pamilya ko at wala din akong problema sa pag-aaral ko pero sabi nga nila walang tao ang walang problema.

Damn, I can't believe na napakaabusado pala ng step-dad ni Ashley. Three years na kami ni Ashley. Sa loob ng three years wala kaming naging problema. Last January lang kinasal ulit ang mommy niya, napakabait nito noong umpisa. Nakakainuman ko pa nga ito paminsan-minsan pero sabi nga imposible mong makilala ang isang tao hanggat hindi mo pa ito nakakasama sa iisang bahay. Yesterday lang sinabi sa akin ni Ashley ang lahat. Simula ng ipadala ang mommy niya ng company nito last August sa Japan, I don't know if it's frustration or what but sinimulan ng saktan ng step-dad niya si Ashley. Binubuhos niya 'yung galit niya kay Ashley. Konting pagkakamali lang ay sinasampal na siya. Lagi nauwi ng lasing but the worst case is last week, nagsimula na itong manghipo na kumbaga ay nabuwelo na sa pangmamanyak sa kanya. Tsk, tsk. Fuck shit talaga.

So here we are, napagdisisyunan naming sa bahay na muna siya titira and one of this day, in this week, mag-e-e-mail kami sa mommy niya. Nakuha naman namin ang consent ng parents ko. Close naman sila and they have a good relationship with Ashley. Obviously, proud ako dun. Kapag hindi ko pa siya inilayo sa lalaking iyon, for sure, that guy will ruin my hon's life but I will never ever let that happen kahit magkapatayan pa kami. Tang-ina lakasan na ito ng loob brad!

"Hon, ikaw kumuha sa counter nabayaran ko na."

"Ok po boss, hahaha sorry Hon ikaw muna ang taya."

"No problem, napakathankful ko talaga sayo. Kahit nahihiya ako kina tita."

"Don't worry, sila ang nagsuggest nito."

"Hahaha, feeling ko magtatanan na talaga tayo."

4:09pm

After naming kumaen sa Jollibee ay diretso na kaming bahay. Ang mga gamit ni Ashley ay pinagkasya niya sa 3 malalalaking bag so obvious na kung sino mang makakakita na maglalayas talaga siya. Ang sakayan ng jeep ay mismong tapat ng Jollibee kaya kita naming agad na may napupuno ng pasahero but ng tumawid kami ay nakita ni Ashley ang step-dad niya naka motor. Tinuro niya sakin ito, balak sana naming magtago pero nakita agad kami nito. Bakas sa mukha niya ang galit. Alam mo yung parang crumpled paper ganon ang itsura niya. Damn that pervert. Thanks God at mabilis ako nakaisip ng solusyon. Hindi kami sumakay ng jeep dahil nagpupuno pa ito. Pumara ako ng tricycle at pinapunta ito sa WalterMart.

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon