"Kailangan ko ng makaalis dito!"
Mabili na gumapang sa katawan ko si Beta. Ipinulupot nito ang katawan niya sa katawan ko at ang dalawang ulo nito ay nasa magkabilang bahagi ng leeg ko.
Hiiizzzzzz..
Hiiiiiizzzzz..
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Sa dalawang araw na nakalipas ay inikot ko ang buong village. Inisa-isa ko din ang mga piling bahay at dahil dito may nakita ako na tatlong dungeon room bukod pa ang room na may Imp.
Laman ng mga ito ay goblin, zombie elites at trolls. Hindi kagaya ng dungeon room ng bahay namin na ang napulot ko ay Mystic Glyphs ang mga nasabing rooms ay naglabas lamang ng dalawang Healing Potion na mas malaki ng konti sa Lesser Healing Potion, isang Mana Potion na mas malaki din kung ikukumpara sa Lesser Mana Potion at isang Rank 1 Skill Book na Soaring Lion Claw.
Sayang lang at hindi ko magagamit ang Mana Potion at Soaring Lion Claw.
Kagaya ni Alpha, ang death aura na nakapalibot kay Beta ay naging denser sa loob lamang ng dalawang araw. Mas lumaki at mas naging halata ang kulay green na apoy sa mga mata nito.
Sa dami ng bahay dito ay hindi ko na alam kung san pa ulit ako magsisimula upang mahanap ang natitirang mga dungeon room but ang pinakasigurado ko lamang ay wala na talagang natirang buhay dito sa village.
.
.
.
Para kang ibon sa loob ng kulungan. Magagawa mo ang gagawin mo pero hindi ka makakalabas until mapatay ang dungeon boss.
Tsk.
This past few days nag-iisip na lang ako ng nag-iisip. Siguro dahil ito sa mataas kong intelligence.
But one thing is for sure...
.
.
I don't fear death anymore because I'll not lose anything anymore.
Halika't harapin mo ko't kuhanin mo ang buhay ko tignan natin kung kakayanin mo!
"Collect Soul"
Sa lakas ng hangin maririnig mo ang mga sigaw ng mga kaluluwa na dahan-dahan kinukuha ng katawan ko.
One Eyed Thousand Hand Warrior?
Kahapon ikaw ang mangangaso at ako ang pagkain mo pero iba na ngayon.
I'll hunt you in every corner of this fucking village.
"Papatayin kita."
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
<Soul Collection: 79>
<Acquired Karma: 5>
Tatlong araw ang lumipas pero kahit anino ng monster boss ay hindi ko naaninag pero hindi nasayang ang mga araw dahil unti-unti akong nangalap ng mga ligaw na kaluluwa.
Dahil dito kahit hindi ako kumain ay hindi ako nagugutom. Ito na ang naging nourishment ng katawan ko. I don't know kung paano nangyari ito pero I must take this advantage to its fullest.
[DING! WORLD ANNOUNCEMENT
The first ever Guild in the Planet #329870 : Earth+ has been established successfully.
Guild Name: The Emperors
Tier: 1
Rank:1]
Guild?
I don't know what to think anymore.
Napailing na lang ako at nagswipe upang maialis ang screen na lumabas sa harapan ko.
Nang makalampas ang ilang oras ay bumalik ako sa bahay namin nang hindi kasama sina Alpha at Beta.
Halos parang naging garden na nila itong dungeon at nakabisado na din nila ang pasikot-sikot dito. Isa lang naman ang inutos ko sa kanila ang magpalakas.
Iiglip sana ako sa kwarto ko na napakagulo ngunit bago ko pa maipikit ang aking mga mata ay narinig akong bumagsak sa bubungan.
Agad akong lumabas ng bahay at mabilis na tumalon sa una at dalawang palapag ng magkasunod para hindi mawala ang momentum. Dahil sa mataas na strength at sa agility ko tatlong beses ang pinagkaiba sa normal na tao ay nagagawa kong makaakyat ng madali sa mga bubong ng mga bahay dito sa village.
Ganito din ang ginagawa ko sa mga normal na araw na lumipas. Sa ganitong paraan maiiwasan kong makipaglaban sa mga walang kwenta na zombie at hell hounds. Ang tila nakikinabang na lang sa mga ito ay sila Alpha at Beta.
Saglit akong nagulat nang nakita ko ang may dahilan kung bakit kumalabog ang bubungan pero mabilis din naman akong napangiti dahil dito.
"Ilang araw na kitang hinihintay, bakit ngayon ka lang nagparamdam! Hihihihi "
"Curse: Rot!!!"
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Ciencia FicciónAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...