Chapter 3:The Black Dove Ascending to Heaven I

1.1K 68 4
                                    


Para sa may Birth Day! L_Rein!



Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


"While walking with pride on earth; remember! Today the soil is under you, tomorrow the soil will be over you!"


JYX's POV


"ANO BANG KAILANGAN MO AT BAKIT MO INAATAKI ANG EVACUATION CENTER!" Sabin g Mayor!


Nanginginig-nginig ang buong katawan nito sa takot. Basang basa ang buo niyang katawan dahil malapot na pawis. Kitang kita mo ang pagkabaliw at pangamba sa kanyang mata. May mga laway pa nga na kumalat na sa kanya pisngi sa pagmamadaling tumakbo.

Magsasalita na sana ako ng mapansin ko ang tumatakbong lalaki na sakay-sakay kanina ng weirdong ibon! Lumingon ako sa likod at nakita ko si Alpha na minemeryenda na ang ibon niya!

Bali ang kaliwang paa niya kaya para siyang tanga na tumatakbo!

Naalala ko na may nakita akong thunderbolt na tumama sa dalawa kong kasama na namatay! Piniga ko ang kamao ko sa galit!


"Catherine Wheel Formation!"

"Catherine Wheel Formation!"

"Catherine Wheel Formation!"


Sigaw ng tatlo kong ulo!


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nadiskobre kong dahil activated pa ang Three Head Six Arm Formation sa aking katawan ay naapektuhan nito ang pag-construct ko ng formation! Sa pamamagitan nito ay kaya kong magcast ng tatlong beses at the same time!!!!!

Tatlong blood red runic circle ang lumabas katabi ng lalaking may weirdong ibon!

Sa likod.. Sa kanan.. sa kaliwa!

May lumabas na mga ulo sa runic circle at mabilis na nag-anyong gulong ito sa pamamagitan nang pagdidikit-dikit ng mga ulo. Sa mga bunganga ng ulo ay may mga lumabas na mahahabang braso!

Hinihigit ng mga braso sa likod nito ang ulo ng lalaki! Sa kanan naman ay hinihigit ang kanan na braso at hita nito. Ganoon din sa kaliwa, para itong lego na laruan! Tinatanggalan ng iba't ibang bahagi hanggang sa mawala ang formation at ang mismong katawan na lang ng lalaki ang natira.

Headless and limbless!

Nadapa ang Mayor ng makita niya ito. Naiyak na ito sa takot! Nanginginig-nginig ang buong katawan nito na napahiga sa daan. Ang dating napakaraming mga tauhan niya ay nasa bente na lang. Lahat ng ito'y tila naging bato sa takot ng makita ang pangyayari.


"Maawa ka samin!" Sigaw ng mga ito habang nakaluhod na nakapatong ang ulo sa lupa.


Magsasalita sana ang Mayor ng biglang bumalik ang kayabangan sa katawan niya at ang napaka lakas na confidence nito!

Bukod kasi sa Private Army ng Mayor at sa mga freelance Fighters ay may isa pang malaking Faction sa loob ng evacuation center. Ito ay walang iba kung hindi ang simbahan! Halos 50% sa lahat ng nakukuha ng evacuation center ay napupunta sa simbahan! Ang 40% ay sa Mayor at ang 10% ay sa mga matatanda at bata!

Ito'y sa kadahilanang ii-invest daw nila ito para sa kinabukasan ng evacuation center! Kasama na dito ang mga weapon at items pati na rin ang mga skill books! Walang magawa ang Mayor dahil mas malakas ang pwersa ng simbahan!

Napatingin din ako sa direksyon na tinitignan ng Mayor na nagdala sa kanya ng ngiti! Sa daang papunta ang simbahan ay may mahigit isang daan na tao ang nakaputi na papunta sa lokasyon namin.

Punong puno ng pagka-arogante ang aura nila. Hindi man lamang sila nalingon sa mga nangangalingasaw na bahayan na dinadaanan nila. Pati ang mga taong hinimatay na sa gutom na pakalat kalat sa kalsada ay tila hindi karapat-dapat sa kanilang paningin. Lahat ng mga ito ay taas noong papalapit sa amin!


"FATHER!!!" sigaw ng Mayor!

"HEAL!"

"HEAL!"

"HEAL!"

"HEAL!"

"HEAL!" ......


Sunod-sunod na nagcast ang mga nakaputing tao na mula sa simbahan ng Heal.


"MGA DEMONYO! UMALIS KAYO SA AMING TERITORYO!" sigaw ng isa sa mga ito!


Nahati sa gitna ang nagkukumpulan na nakaputing tao!

Sa gitna ng mga ito ay may tatlong lalaki ang lumabas mula dito.

Makikita mo ang kulay ginto na aura na nakapaligid sa mga ito!

Nagulat ako! Dahil ang ibig sabihin nito ay may class na silang tatlo!

Mabilis kong pinagalaw ang isang daang mahigit na kaluluwa na nakalap ko! Mabilis ko itong pinaataki sa tatlo!

Nagsigawan ang mga ito ng malakas! Makikita mo ang pagkagutom sa mga mukha ng kaluluwa!


"Divine Shield!"

"Divine Shield!"

"Divine Shield!"


Tatlong malalaking transparent na golden dome ang lumabas mula dito upang protektahan lahat ng kasamahan nila! Makikita sa mga mata ng mga ito ang kaba at kakaunting takot!

Ngunit bago pa nila mai-cast ang skill nila ay marami na sa mga ito ang tahimik na naging bato at naging matanda ng hindi nila namamalayan!

Tandaan! Tatlo lang sa kanila ang may class at ang lahat ng natira ay mga classless individuals. Ang grupo ko naman ay mayroon lamang thirty five ngunit lahat ng ito ay may class! Kahit na novice pa lang ang kanilang class ay mayroon na itong malaking impact lalo na kapag inihambing mo sa tatatlong mayroon sila!

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon