*Note: To keep up my HYPE please give my daily dose, the great "Vote". HAHAHAHA
<Acquired Karma: -31>
Sa sobrang pagdadalamhati ko ay hindi ko na ito pinansin at basta ko na lang ito na-swipe.
Butas-butas at basag-basag na ang buong toilet. Durog-durog na ang mga tiles at kita mo sa butas ang ground floor.
Puro dugo na ang medyo maitim-itim na sa dumi na T-shirt ko. Inilabas ko sa toilet ang dalawa kong kapatid at ibinalot ito sa kumot. Inihiga ko ito sa kama at naghanap ako ng maayos ayos na T-shirt sa cabinet ko.
Aking nilinis ang toilet at naligo ako upang pansamantalang maaIis ang mga libag, dumi at dugo na nanuyo na sa aking balat. Matagal tagal na din akong hindi nagsha-shampoo.
Isinuot ko ang kulay green kong T-shirt at ipinuyod ang puting-puti kong buhok.
Huminga ako ng malalim at nilaksan ang loob ko.
Lumabas ako ng kuwarto at pinuntahan ang room nila Calvin. Gulo-gulo ito at nakatabingi ang kama.
Basag ang TV at bintana.
Pumasok ako sa loob at sumilip sa basag-basag na bintana. Mula sa loob nakita ko sa labas si Alpha na walang tigil sa paghabol ng mga zombies/hellhounds at pagnguya ng mga ito.
Napailing na lang ako.
Hindi ko na alam ang gagawin sa ulo na 'to.
Lumabas ako ng kuwarto at pinuntahan ang kuwarto ng mama at papa ko.
Pagbukas ko dito pumasok ako agad ngunit ang ikinagulat ko ay hindi ang paglabas ng notification na ito.
<Welcome to Dungeon Room # 3>
Hindi din ang nag-iisang monster na nakatayo sa may kama.
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Научная фантастикаAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...