2 Chronicles 15:7But as for you, be strong and do not give up, for your work will be rewarded.
*****
RYSHA POV
Maaga akong ginising ni tita Riya dahil ngayon ang first day ko sa academy..pinagpalit din nya ako ng damit..kasi hindi daw naaayon ang pananamit ng isang psyche sa pananamit ng isang elementalist..
Ang binigay sa akin ni tita ay isang sleeveless na blouse na kulay pink at isang palda na maong..medyo maikli yung palda..above the knee ang haba nito kaya nagdalawang isip ako kung dapat ko ba itong isuot..hindi kasi ako sanay magsuot ng ganito kaikling palda..
Pero in the end..wala na akong nagawa kundi ang isuot ang damit na binigay ni tita..tinernuhan ko na lang ito ng sandals na kulay brown tapos nagdala na din ako ng sling bag..hinayaan ko na lang din na nakalugay ang kulay golden brown kong buhok..
Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin..at napabuntung hininga na lang ako..masasanay din siguro ako sa pananamit sa mundong ito..
Lumabas na ako ng kwarto ko at saktong kalalabas lang din ni Throy sa kwarto nya..naka polo sya na kulay asul at nakamaong pants..may kagwapuhan din pala ang lalaking ito..tapos ang bango bango nya..
"wag katitig..baka matunaw ako nyan?.."
Nakangising sabi sa akin ni Throy..awtomatikong napataas ang kilay ko sa taglay nyang kahanginan..
"una, iba ang titig sa tingin..pangalawa, hindi ka yelo para matunaw dyan..wag kang assuming.."
Pagkasabi ko nun ay pumunta na ako sa kusina..naabutan ko si tita at tito na naghahain ng almusal..
"wow..bagay na bagay sayo ang damit mo Ry.."
Nakangiting bati sa akin ni tita Riya..
"ah eh..hindi po kasi ako sanay sa ganitong damit.."
"naku hija..yan kasi ang uso dito..hayaan mo..masasanay ka din.."
Ngumiti na lang ako sa kanya..kailangan ba talagang sumunod ako sa uso?..tss..
Sabay sabay kaming kumain ng almusal..naalala ko bigla ang pamilya ko..dalawang araw pa lang akong napahiwalay sa kanila pero namimiss ko na agad sila..
Sabay sabay na din kaming pumunta sa school dahil sina tito at tita ay myembro nga ng council..kami naman daw ni Throy ay magkaklase kaya sa kanya na daw ako sumabay papunta sa magiging classroom ko..
Medyo may alam naman ako sa sistema ng academy ng mundong ito..dahil minsan kong pinapanood ang buhay ng mga elementalist..kaya hindi na rin siguro ako masyadong mahihirapan sa pag aadjust..
"Throy!.."
Napahinto kami sa paglalakad ni Throy nang may tumawag sa kanya..lumapit sa amin ang lalaking tumawag sa kanya..may kasama itong dalawang babae at dalawang lalaki..
"bro..ipakilala mo naman ako sa kasama mo.."
Sabi nung lalaki habang nakatingin sa akin..
"umatake na naman ang pagiging playboy mo..tsk..sya si Rysha..and Rysha..sila ang mga kaibigan ko..si Michael, si Lizeth, si Aaron, si Zairah, at si Brylle.."
"hello!!.."
Sabay sabay nilang sabi sa akin..
"hi..!"
Nakangiti ko namang sabi sa kanila..tumabi sa akin si Michael at akmang aakbay sana pero nakaiwas agad ako sa kanya..
"woah..ang ilap mo naman Rysha.."
"una, hayop lang ang mailap..pangalawa, umiiwas lang ako sa mga katulad mong playboy.."
Kakikilala ko pa lang kay Michael pero nasampolan ko sya agad ng pambabara ko..kasi naman..feeling close..tss..
"wow..ang cool mo pala Rysha..paano ba yan Michael..nakahanap ka na ng katapat mo.."
Sabi ni Lizeth..nagkamot na lang ng ulo itong si Michael..pinagtawanan naman sya ng mga kaibigan nya..
"naku..magkakasundo tayo Rysha.."
Nakangiting sabi ni Lizeth..
"oo nga..tara na sa room dali.."
Sabi naman ni Zairah..hinigit ako nung dalawa papasok sa room daw namin..nakatingin nga sa amin lahat ng kaklase namin nung pumasok kami..ganito pala ang pakiramdam kapag madaming nakatingin sayo..nakakahiya..
"ok ka lang?.."
Tanong sa akin ni Zairah..dito kami pumwesto sa bandang likod..sina Throy naman ay sa may unahan namin naupo..
"yes..hindi lang ako sanay na madaming nakatingin sa akin.."
"naku girl..masanay ka na..ganito talaga sa school..kapag bago ka, sentro ka ng atraksyon..tapos ang ganda mo pa girl..naku.."
Mahabang paliwanag ni Lizeth..gumagaan na ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa..ito na ba ang pakiramdam ng may kaibigan..
"oo nga..may pantapat na kami kay Nerissa.."
"Nerissa?.."
"yeah..Nerissa..the most beautiful in academy..pero dahil nandito ka na..mapapalitan mo na sya.."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nilang dalawa..sa pagkakaalam ko, nagpunta ako dito sa mundo nila para hanapin ang gems ko..at hindi para makipagtagisan ng ganda..
"hey..nandito ako para..ahm..mag-aral..at hindi para makipagkompetensya.."
"ano ka ba girl..parte na ng pag-aaral dito ang makipagkompetensya..at saka sayang yang ganda mo oh..pointed nose, long eyelashes, tantalizing eyes, golden brown hair, brown eyes..and sexy body.."
Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa..hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil pinupuri nila..or kakabahan dahil sa sinasabi nilang competition at dun sa babaeng si Nerissa..
Pero kung ano man ang naghihintay sa akin sa mundong ito, isa pa din ang mahalaga sa akin..yun ay ang mahanap ang mga gems ko..

BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Viễn tưởng12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."