CHAPTER 16

7K 270 4
                                        

John 6:35


Then Jesus declared, "I am the bread of life. Whoever comes to me will never go hungry, and whoever believes in me will never be thirsty.






*****


RYSHA POV


"Mabuti naman at dumating ka. Akala ko ay naduwag ka na."


Nakangising sabi ni Nerissa nung makarating ako sa field. Nginitian ko na lang sya. Kanina kasi, buong buo ang desisyon ko na lalabanan ko si Nerissa pero ngayong nandito na ako, parang gusto kong umuwi na lang. Hindi ko kasi alam kung anong magiging resulta nito. At hindi ko alam kung matutuwa ba sina mommy sa mga nangyayari sa akin.


"Bakit mo ba ako pinapunta dito?"


Seryoso kong tanong sa kanya. Pero imbis na sagutin nya ako ay ngumisi lang sya at gumawa ng shield sa area namin.


Naglakad sya palapit sa akin kaya ako naman ay umatras palayo sa kanya.


"Aww, natatakot ka na ba? Nasaan na ang tapang mo kanina?"


Gustong gusto kong sabihin sa kanya na hindi porket lumalayo ako sa kanya ay natatakot na ako. Pinanatili ko lang ang distansya ko sa kanya para in case na umatake sya ay makakaiwas agad ako.


Nanatili lang akong tahimik na nakatingin sa kanya.


"Gusto ko lang naman ipakilala sayo ang babaeng sinagot sagot mo kanina. Magbabayad ka sa mga sinabi mo kanina Ms. Rysha Ferrer!."


Nanlilisik na ang mga mata ni Nerissa dahil sa galit na nararamdaman nya sa akin.


Inatake nya ako ng kanyang water ball at tumama yun sa tiyan ko. Hindi ako umiwas o dumepensa. Tinanggap ko lang ang atake nya.


"ARGHHH! ANO BA?! LUMABAN KA!"


Inis na inis nyang sigaw sa akin. Pero ngumiti lang ako. Inatake nya ulit ako pero water spikes kaya iniwasan ko ang atake nyang yun.


"Ano Rysha? Bakit ayaw mo akong labanan?"


Ramdam na ramdam ko ang sobrang pagkainis nya sa akin.


"Kapag ba nilabanan kita at napatunayan mo sa sarili mo na mas malakas ka sa akin, titigilan mo na ako?"


Seryoso kong tanong sa kanya. Para naman syang natigilan sa tanong kong iyon. Pero ilang saglit lang ay ngumisi sya.


"Hindi. Hindi kita tatantanan hangga't hindi ka bumabalik sa mundong pinanggalingan mo. Sa mundo ng mga tao."

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon