Philippians 2:3
Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves,
*****
RYSHA POV
After namin sa horizon car ay nagyaya naman ang barkada na tumambay muna dito sa park. Hanggang alas nwebe daw kasi ng gabi ito bukas kaya okay lang daw na tumambay muna. Dito kami pumwesto sa medyo sulok kaya hindi kami masyadong pansinin ng iba. Gumawa din ng bonfire sina Brylle, Lizeth at Zairah since sila ang mga fire elementalist sa amin.
Kung ano ano nga lang ang mga pinag-uusapan namin. Kanina pa nga kami tumawa ng tumawa eh dahil sa mga kakulitan nina Brylle at Michael.
"Pero guys, seryoso, ang galing ni Rysha nung second ranking test natin.", pag-iiba ng usapan ni Aaron.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Throy pero ako na agad ang unang umiwas.
"Oo nga, lalo na nung kinausap nya yung hidden giant. At yung kung paano nya naisip kung paano makikita yung invisible na higanteng yun. Astig!", sabi naman ni Brylle.
Napangiti na lang ako sa mga sinasabi nila.
"Pero alam nyo ba ang kwento tungkol sa kanila kung bakit invisible ang kulay ng mga hidden giant?"
Bigla akong napatingin kay Lizeth dahil sa sinabi nya. At naging interesado ako sa kwentong sinasabi nya.
"Anong kwento?", tanong ko sa kanya.
"Sabi nung lola ko, hindi naman daw talaga invisible ang mga higanteng iyon. Noong kabataan daw kasi nila, nakakasalamuha pa nila ang mga higante. Pero siguro dahil na din sa diskriminasyon, lumayo ang loob ng mga higante. Bigla na lang silang nawala sa elemental world. Akala nila ay tuluyan na silang naglaho, pero yun pala ay naging invisible lang. At nanirahan sila sa kagubatan."
Napatingin ako kay Throy dahil bigla nya akong siniko. Magkatabi kasi kami.
"I know what you were thinking Ry.", bulong nya sa akin.
Inirapan ko lang sya at medyo itinulak dahil ang lapit na naman nya masyado sa akin.
"Pero diba, haka-haka lang daw yan. Dahil ever since naman daw ay ganun na talaga ang hidden giant, kaya nga hidden diba?", sabi pa ni Throy.
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."
