CHAPTER 27

6.7K 247 7
                                        

Isaiah 30:15

In returning and rest you shall be saved, in quietness and confidence shall be your strength.





*****


RIYA POV



Masaya ako dahil nandito na ulit si Miya, ang aking fairy. Pero dahil nga sa hindi nya ako maalala, hindi nya ako magawang kausapin. Tanging si Rysha lang ang sinasamahan nya at pinagkakatiwalaan. Masaya na malungkot. Nandito nga sya pero parang ang layo layo pa din nya sa akin.



Parte ng buhay ko si Miya, ako ang bumuhay sa kanya kaya nung time na wala sya sa tabi ko ay parang hindi kumpleto ang buhay ko. Masaya ako sa pamilya ko pero laging may kulang at yun ay si Miya.



Siguro kung nandito lang si Akeesha, hindi ko masyadong mararamdaman ang pagkawala sa akin ni Miya. Namimiss ko na tuloy ang bestfriend ko.



"Ahm. R-riya."



Lumingon ako sa tumawag sa akin at medyo natigilan ako. Nasa harapan ko ngayon si Miya. Gustong gusto ko syang yakapin kaso baka matakot sya.



Pero kinausap nya ako at lumapit sa akin. Isa na ba itong sign na may pag-asang bumalik ang samahan naming dalawa?



"Miya, may kailangan ka ba?"



Biglang tumungo si Miya na ikinangiti ko. Ginagawa nya lang yan kapag nahihiya sya.



"Ano kasi. Ah. P-pwede bang makijoin sayo?"



Hindi ko na naitago pa ang ngiti ko.



"Oo naman."



Tumingin sya sa akin at nakita ko sa mga mata nya ang labis na kasiyahan. Maski ako ay natutuwa. Hindi man ako maalala ng fairy ko, at least sya pa din yung Miya na halos lahat ng bagay ay magkapareho kami.



"Salamat."


"Oh sya, bigyan mo na ng sapat na hangin ang mga halaman at bulaklak."



Nung time na naaalala pa ako ni Miya ay ganito lagi ang aming ginagawa. Ako ang nagtatanim at nagdidilig ng mga halaman at bulaklak, sya naman ang nagbibigay ng sapat na hangin dito upang lumusog at gumanda.

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon