CHAPTER 69

4.8K 170 12
                                        

Philippians 4:13

I can do everything through him who gives me strength.





*****


RYSHA POV


"Rysha."



Napatingin ako kay Michael nung bigla nya akong tinawag. Naglalakad na kasi kami papunta sa canteen since lunch break na. Hindi na kami pinapasok ni nurse Jane sa morning class dahil sa nangyari sa akin. Sya na daw ang bahalang magpaliwanag sa teacher namin.



"Bakit?", tanong ko naman sa kanya.



Pero hindi nya ako sinagot. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa may falls sa likod ng academy. Nagtaka naman ako sa ikinilos nya ngayon pero hinayaan ko na lang muna. Baka importante ang sasabihin nya.



"Rysha.", muling tawag nya sa akin. Para syang hindi mapakali.


"May sasabihin ka ba?", tanong ko naman sa kanya.



Pero hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sya sa akin na ipinagtaka ko naman.



"Michael, may problema ba?", nag-aalalang tanong ko sa kanya.


"I guess.", mahina nyang sagot sa akin pero sapat na para marinig ko yun.


"Anong problema?"



Umupo sya sa isang malaking bato malapit dun sa may falls. Sumunod naman ako sa kanya at umupo sa tabi nya. I can feel his nervousness.



"Malaking problema.", malungkot nyang sabi sa akin.



Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang ang kung ano pa mang sasabihin nya.



"Alam kong mali, alam kong hindi tama. Pero hindi ko pa din napigilan. And now, I fell."



Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. At pakiramdam ko ay hindi maganda ang kahahantungan ng pag-uusap namin. Bigla akong nakaramdam ng uneasiness lalo na at magkatabi kami ngayon. Parang ayokong pakinggan ang susunod nyang sasabihin. Pero I nees to listen, dahil kaibigan nya ako.



"I'm sorry Rysha but I have fallen for you."

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon