2 Thessalonians 2:15
So then, brothers and sisters, stand firm and hold fast to the teachings we passed on to you, whether by word of mouth or by letter.
*****
RYSHA POV
"RYSHA!!"
Muntik na akong mahulog sa kama ko. Yun ba naman kasing ang sarap ng tulog mo tapos may biglang sisigaw sa tenga mo. Ay grabe, gulantang na gulantang ako at lutang na lutang ang utak ko.
"Throy?! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?", gulat na gulat na tanong ko sa kanya.
Hindi pa naman ako nakakapagtoothbrush at nakakapaghilamos. Hindi pa din ako nakakapagsuklay tapos nakita na agad ako ni Throy.
Eh teka?
Kelan pa ako naging conscious sa itsura ko kapag si Throy ang kasama ko? Tss.
"Kanina pa kasi kita kinakatok pero hindi ka naman natugon. Tapos yun naman pala, tulog na tulog ka pa."
"Eh bakit ba kasi ang aga mong mambulabog?", naiirita ko namang tanong sa kanya.
"Tss. Foundation day na."
Foundation day lang pala eh.
What??
Foundation day na? Hala.
"Kaya maligo ka na dahil madami tayong pupuntahan ngayon."
Pagkasabi nun ni Throy ay lumabas na sya ng kwarto ko. Agad naman akong naligo at nag-ayos ng sarili ko.
Nahirapan pa nga akong humanap ng damit. Hindi ko kasi alam kung magpapalda, short o pantalon ba ako at kung sleeveless ba ang isusuot ko tshirt na lang.
Haixt, ano bang nangyayari sa akin? Kailan pa ako nahirapang humanap ng isusuot kong damit? Tss.
Kumuha na lang ako ng isang pantalon at kulay blue na tshirt. Then nag flats na lang din ako. Konting suklay at pulbo and hola, I'm ready to go.
Bago ako lumabas ng kwarto ay tumingin ulit ako sa salamin. Okay na siguro ang itsura ko. Nung masatisfy ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto.
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."