CHAPTER 14

7.6K 291 4
                                    

2 Corinthians 9:11

You will be made rich in every way so that you can be generous on every occasion, and through us your generosity will result in thanksgiving to God.




*****


RYSHA POV


"Ok class, makinig kayo. Malapit na ang first ranking test. Kaya pinapayagan ko kayong magsanay at paghandaan ang test. Tandaan nyo, ang test na ito ang magsasabi kung tataas ba o bababa ang allowance nyo. Pwede kayong magsanay with your friends or with yourself. Just be extra careful and be responsible enough. Are we clear class?"


"Yes sir."


"Okay. Class dismiss."


Agad na naglabasan ang mga kaklase ko. Ako naman ay pinagmasdan lang sila isa isa. Nagiging pursigido ang bawat estudyante dahil sa allowance na natatanggap nila. Tama nga si Throy, pera na ang nagpapaikot sa mundong ito.


"Ry, let's go."


Yaya sa akin ni Lizeth. Tiningnan ko muna si Throy, nung tumango sya sa akin ay saka lang ako tumayo at sumama sa kanila.


Sabi ni tita, isa daw akong air elementalist. So air element ko lang ang pwede kong gamitin. Ang hirap naman nun, nasanay kasi ako na lahat ng element ko ay ginagamit ko.


"Rysha!"


Nagulantang ako bigla nang sigawan ako ni Michael. Natawa naman sya sa reaksyon ko.


"Kanina ka pa namin kinakausap, pero parang wala ka sa sarili mo. Okay ka lang?"


May pag-aalalang sabi sa akin ni Lizeth. Nakatingin na silang lahat sa akin kaya medyo naconcious naman ako bigla.


"Okay lang. Medyo kinakabahan lang sa test."


Pagsisinungaling ko sa kanila. Mukang naniwala naman sila sa alibi ko maliban na lang kina Throy at Michael since alam nila ang tunay kong pagkatao.


"Okay lang yan girl. Tutulungan ka namin."


Nakangiting sabi sa akin ni Zairah. Nginitian ko na lang din sila. Kung alam lang nila.


"Namiss ko toh!"


Biglang sabi ni Brylle. Nakataas pa ang dalawa nyang kamay. Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Isa syang training ground na napakalawak. Hindi ko alam kung paano kami napunta dito dahil sa lalim ng iniisip ko kanina.


Gumawa ng shield sina Aaron at Brylle na nagkukulong sa aming pito.


"Anong gagawin natin?"


"Magttraining."


Nakangiting sabi sa akin ni Zairah. Dapat na ba akong kabahan?


"Kailangang kailangan ko ito. Bumaba kasi ang allowance ko."


Malungkot na sabi ni Lizeth. Napatingin ako bigla kay Michael at nababasa ko sa kanya ang labis na pagkaguilty. Palihim ko na lang syang tinapik sa balikat at nginitian.


"Ry, alam mo na ba kung paano kontrolin ang element mo?"


Tanong sa akin ni Aaron. Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni Throy.


"Ako na ang bahala kay Rysha. Kaming dalawa ang magttraining."


"Sige. Oh dun tayo guys."


Malakas na sabi ni Brylle. Lumayo sila ng konti sa aming dalawa ni Throy.


Ako naman ay naupo na lang dito at pinagmasdan sina Lizeth na nag-uumpisa nang magtraining.


"Magttraining din tayo Rysha."


Seryosong sabi sa akin ni Throy. Tumingin ako sa kanya na kasalukuyang may air ball na sa kamay nya. Ibinato nya ito sa akin kaya napatayo agad ako at umiwas sa element nya.


"What are you thinking?"


Galit kong tanong sa kanya. Tatawa tawa lang sya sa akin.


"Ipakita mo na sa akin ang galing ng isang psyche."


Pang-aasar pa sa akin ni Throy.


"Wag kang maingay dyan. Baka marinig ka nila."


Ang tinutukoy ko ay ang barkada nya na kaibigan ko na din. Ngumisi lang sya sa akin. Nagpalabas ulit sya ng isa pang air ball pero mas malaki na ito kumpara dun sa kanina. Dinifuse ko naman agad ito na ipinagtaka naman nya.


"Yan ang kailangang itrain sayo Rysha. Air element lang ang dapat mong gamitin. Yung mga subpowers mo bilang isang psyche ay kailangan mong isantabi muna."


"I know. Hindi lang ako sanay na may ibang kasama sa mga pagsasanay ko. Sina mommy at daddy lang kasi ang nakakasama ko noon."


Nalungkot ako bigla dahil naalala ko ang mga magulang ko. Namimiss ko na talaga sila.


"Pero nandito ka sa mundo namin. Kaya masanay ka na muna na ako ang kasama mo kapag nagttraining ka."


"May choice pa ba ako?"


Pabiro kong sabi sa kanya. Ngumiti na lang sya kaya napangiti na lang din ako.


Nag-umpisa na din kaming magtraining. Mahirap sa umpisa dahil air element lang ang kailangan kong gamitin. Minsan nagagamit ko ang iba kong element, mabuti na nga lang at hindi yun nakikita nina Lizeth.


Masasanay din ako sa buhay dito sa mundong ginagalawan ko ngayon. Pasalamat na nga lang ako dahil kasama ko si Throy at ang mga kaibigan nya. Maswerte pa din ako kung tutuusin.


FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon