CHAPTER 80

5.2K 195 13
                                        

Ephesians 3:12

12 In him and through faith in him we may approach God with freedom and confidence.  




*****

RYSHA POV


Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak. Kusa na lang kasing tumigil sa pagluha ang mga mata ko.Siguro ay napagod na ang mata ko. Maski nga yung puso ko ay napagod na din ata. Wala na kasi akong maramdaman na kahit ano. Namanhid? Hindi ko alam.


Kanina pa ako iniwang mag-isa dito ni kuyang higante para tulungan ang mga kasamahan nya sa paggagawa ng pansamatala kong tutulugan hangga't nandito pa ako. Sabi nya sa akin ay umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa kusa nang tumigil ang mga mata ko. At eto na nga, kusa na syang tumigil.


Inayos ko ang sarili ko at tumayo na. Pero pagharap ko ay napatigil ako at pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko.



"I'm sorry pero hindi ko kayang tiisin na pagmasdan ka sa malayo.", pabulong nyang sabi sa akin pero sapat na para marinig ko.



Mugto din ang mga mata nya. At damang dama ko sa boses nya na nahihirapan din sya.



"Throy, ako na nga ang lumayo dahil mas lalo lang tayong mahihirapan."



Nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Akala ko ba pagod na ang mga mata ko? At mas lalo pa akong napaiyak nung niyakap nya ako ng mahigpit.



"Gusto kong magpakaselfish Rysha. Pero wala naman akong choice."



Pinilit kong alisin ang mga kamay nya pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang yakap sa akin. At sa ginawa nyang ito ay mas lalo lang akong nasasaktan. Nanlalambot na ang tuhod ko sa sobrang sakit. Akala ko namanhid na ang puso ko. Pero eto, hindi na lang basta karayom ang tumutusok sa puso ko. Para na itong dunudurog at sa bawat paghinga ko, wala na akong maramdaman kundi sakit.



"Throy, please umalis ka na. Wag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. I'm sorry for telling you. Sana hindi ko na lang din sinabi para hindi ka nasasaktan ng ganito."


"No Rysha. Kahit hindi pwede, at least nalaman ko na pareho tayo ng nararamdaman."



Bumitaw sa akin si Throy at pinunasan nya ang mga luha ko. Pinagdikit nya ang mga noo namin kaya napapikit na lang ako.



"Throy please."


FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon