CHAPTER 2

11.4K 424 4
                                        

Matthew 5:9

Blessed are the peacemakers, for they will be called sons of God.





RYSHA POV


Napamulat ako bigla ng mga mata ko..isang kulay rosas na kisame ang bumungad sa paningin ko..agad akong bumangon at may nakita akong isang babae na siguro ay around thirty's na..sa tabi nya ay isang lalaki na kaedad nya lang..at sa isang sulok ay isang lalaki ulit na parang kaedad ko lang..


"maligayang pagdating sa Elemental world Rysha.."


Nakangiting sabi sa akin nung babae..


"ah eh..kayo po ba yung mga kaibigan nina mommy?.."

"oo hija..ako si Tita Riya mo..at sya naman si Tito Jethro mo..at yun naman ang anak naming si Throy.."


Ngumiti sa akin yung sinabi nyang si Tito Jethro..yun namang Throy ay nakatingin lang sa akin..


"ah..salamat po sa pagpapatuloy sa akin dito.."

"naku..wala yun noh..oh sya..magpahinga ka muna hah..maghahanda lang ako ng pagkain..hon, samahan mo nga ako.."


Lumabas na ang mag-asawa kaya kami na lang ni Throy ang nandito..nakatingin lang sya sa akin..mukang may pagkasuplado ang lalaking ito..


"psyche ka bang talaga?.."


Sa wakas ay nagsalita na sya..napaka manly ng boses nya..at napakaseryoso..


"apparently.."


Tumayo sya at lumapit sa akin..pinagmasdan nya ang mukha ko na akala mo ay iniimbestigahan ako..parang nailang naman ako bigla..


"anong element mo?.."


Tanong nya sa akin..napataas naman ang kilay ko..babarahin ko na ba sya?..wag na muna siguro..


"lahat.."

"woah..ang cool.."


Hindi na lang ako umimik..tumayo ako at sumilip sa bintana..wala naman pala halos pinagkaiba ang mundo nila sa mundo namin..maliban na nga lang na napakadami nila..samantalang kami ay siyam lang..


Paano ko kaya mahahanap ang mga gems ko kung ganito kadami ang mga elementalist..sabi ni mommy, sa may academy daw ako maninirahan..at mamumuhay bilang isang estudyante..paano ko mahahanap ang may mga hawak ng mga gems ko kung limitado lang ang lugar na paghahanapan ko..tss..


"lalim ng iniisip mo..nalulunod ako.."


Sabi sa akin ni Throy..hindi naman pala sya suplado..ang daldal eh..


"pag malalim..nalulunod agad?..bakit..may tubig ba para malunod ka?.."


Pangbabara ko sa kanya..natahimik naman syang bigla na ikinangiti ko..mukang may kapalit na si Akeeyan sa mga pambabara ko..


"tss..sabi ni mommy..magiging estudyante ka din sa academy.."

"malamang..kaya nga dito ako nakatira eh..dahil nasa loob ng academy ang bahay nyo.."

"grabe ka..nakikipag-usap ako sayo ng maayos.."

"well..nakikipag usap din ako sayo ng maayos..don't state the obvious kasi para hindi ka mabara.."


Tinaas ni Throy ang dalawa nyang kamay na parang sinasabing suko na sya sa akin..napangiti na lang ako..


"ok..just fix yourself..kakain na tayo.."


Yun na lang ang sinabi nya at lumabas na sya ng kwarto..


Napabuntung hininga na lang ako..itong ito na talaga yun..nandito na ako sa elemental world..wala na talagang atrasan ito..I need to find my gems as soon as possible para makabalik na agad ako sa psyche world..


Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko sina tita Riya na masayang naghahanda ng pagkain..napabuntung hininga na lang ako..I missed my family..


"oh nandyan ka na pala..umupo ka na dito para makakain na.."


Yaya sa akin ni tito Jethro..napangiti na lang ako at umupo sa tabi ni Throy..pinagmasdan ko ang pagkain ng mga elementalist..wala naman palang pinagkaiba sa pagkain namin..


"kamukang kamuka mo si Akeesha.."


Nakangiting sabi sa akin ni tita Riya..bakas sa mga mata nya ang pagkamiss kay mommy..sabi kasi sa akin ni mommy..si tita Riya daw ang bestfriend nya..


"except po sa brown eyes ko.."

"naku..alam kong kay Ryan mo yan namana.."


Nakangiti namang sabi ni tito Jethro..sabi ni daddy, si tito Jethro daw ang bestfriend nya..nakakatuwa ang story nilang apat..lalo na daw ang kina mommy at daddy..


"nga pala..Throy..naayos mo na ba ang papel ni Rysha?.."

"yes ma..pwede na syang pumasok bukas.."

"ah..Rysha..pinalabas namin na pamangkin ka namin at galing ka sa normal world..para hindi na sila mag-usisa pa sayo..at air element lang ang gagamitin mo sa harap ng ibang elementalist.."

"sige po tita.."


Sina tita Riya at tito Jethro ay myembro ng council kaya dito sila naninirahan sa academy..and they are so great..dahil bago pa man ako makarating sa mundong ito, naihanda na nila ang mga dapat ihanda..komplikado kasi ang pamamalagi ko dito dahil isa akong psyche..we need to be extra careful..and I'm glad na sila ang kukupkop sa akin while I am here..dahil sa mga oras na ito..silang tatlo pa lang ang mapapagkatiwalaan ko..

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon