CHAPTER 70

5K 172 12
                                    

John 11:25

25Jesus said to her, "I am the resurrection and the life. The one who believes in me will live, even though they die;





*****


RYSHA POV


Dalawang araw.


Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung magtapat sa akin si Michael. At sa loob ng dalawang araw na yun ay unti unting bumalik na ang nawala kong lakas. Dalawang araw din akong hindi nakapasok dahil sa panghihina ko. Hindi kasi ako pinayagan nina tita Riya na pumasok hangga't hindi bumabalik ang lakas ko. Kahapon nga lang ay sinubukan kong tumakas. Nabalitaan ko kasi na nasa academy na ang gem na nasa loob ng glass box. Hindi lang natuloy ang pagtakas ko dahil nahuli ako ni Throy.


Katakot takot na sorry naman ang inabot ko kay Michael. Wala na ata akong narinig sa kanya kundi sorry kapag bumibisita sila ng barkada dito sa bahay. Sobra daw syang naguilty sa nangyari sa akin. Kung alam lang daw nya sana, hindi na lang daw sana sya umamin. Minsan nga tinatawanan ko na lang para hindi nya mahalata na naiilang ako sa kanya.



"Kamusta ang pakiramdam mo?", nakangiting tanong sa akin ni Miya.


"Maayos na ako. Pwedeng pwede nang pumasok.", nakangiti ko namang sagot.


"Grabe pala ang epekto sayo kapag may nagtapat sayo noh?", iiling iling na sabi nya.


"Patunay na hindi talaga pwede ang isang psyche at isang elementalist."



Bigla namang nalungkot si Miya dahil sa sinabi ko. Napatawa na lang ako dahil parang mas apektado pa sya kesa sa akin. Well, apektado ako ng sobra. Ayoko lang ipahalata sa iba. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko. Alam kong bawal naman talaga pero may part sa akin na parang nalulungkot o nasasaktan ako. Weird.


Napatingin ako sa orasan at napabangon agad ako. Nakahiga pa kasi ako nung pumasok sa kwarto ko si Miya. Maaga akong nagising pero nakahiga lang ako habang nagpapalipas ng oras.



"Malalate na pala ako.", sabi ko kay Miya.


"Sure ka bang kaya mo nang pumasok?", nag-aalalang tanong nya sa akin.


"Yeah.", yun lang ang isinagot ko at pumasok na ako sa banyo para maligo.



After 30 minutes ay ready na akong pumasok kaya bumaba na ako sa may kusina. Nagulat naman sina tito at tita nung makita nila ako.



"Rysha, papasok ka na?"


"Yes tita Riya. Maayos na naman po ang pakiramdam ko.", nakangiti kong sabi sa kanya.

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon