CHAPTER 66

4.8K 183 25
                                        

Psalm 34:8

Taste and see that the LORD is good; blessed is the man who takes refuge in him.







*****


RYSHA POV


"Anong ginagawa mo dyan?"



Ngumiti ulit sya sa akin at naglakad palapit. Pagkalapit nya sa akin ay inakbayan pa nya ako.



"Throy!"



Pilit kong inalis ang kamay nya sa balikat ko at nakahinga ako ng maluwag nung naalis ko naman. Kaso ginulo naman nya ang buhok ko.



"Akala ko ba tutulog ka na? Bakit lumabas ka pa?", seryoso nyang tanong sa akin.


"Eh ikaw, bakit nandyan ka? Gwardiya ka na ba ngayon?", balik tanong ko naman sa kanya.



Para kasi syang gwardiya sa pwesto nya kanina. Gwapong gwardiya. Tss.



"Alam ko kasi ang pinaplano mo. Tama nga ako, pupuntahan mo yung mind reader noh?"


"Eh alam mo naman pala eh, bakit nagtatanong ka pa?"


"Kahit kelan talaga, napakapasaway mo. Tara na nga."



Hahawakan sana ni Throy yung kamay ko pero agad akong lumayo sa kanya. Mahirap na, baka magkadikit na naman ang katawan namin at maging abnormal na naman ang tibok ng puso ko. Tiningnan naman nya ako ng nagtataka.



"Pumasok ka na at matulog Throy.", seryoso kong sabi sa kanya.


"At iniisip mo talaga na papayagan kitang pumunta dun ng nag-iisa?", seryoso din nyang sabi.


"Oo, dahil unang una hindi ko hinihingi ang permiso mo. At pangalawa, hindi ikaw si daddy or mommy para pagbawalan ako sa mga gusto kong gawin."


"Rysha, papatayin mo ba ako?"



Awtomatikong napataas ang kilay ko. Paanong napunta sa ganung usapan? Ang gulo din nyang kausap. Inirapan ko na lang sya at tumalikod sa kanya. Lalakad na sana ako kaso..





FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon