CHAPTER 43

6.4K 222 12
                                        

1 Corinthians 13:4-5


Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud.It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs.





*****

RYSHA POV


"Throy, kailangan nating mag-usap."


Pagkatapos na pagkatapos ng training namin ay nilapitan ko agad si Throy. Nagulat pa nga sya dahil hinila ko sya palayo sa barkada.


"Ano bang sasabihin mo at kailangang lumayo pa sa kanila?", tanong nya sa akin na nakakunot pa ang noo.


"Sina Lizeth at Zairah, iniimbestigahan nila ang pagkatao ko."


"What?!"



Gulat na gulat na tanong ni Throy. Magsasalita na ulit sana ako kaso nakita kong palapit sa amin si Nicolo.



"Rysha, pasensya na ulit sa nangyari kanina hah."


"Naku okay lang yun Nicolo. Hindi naman ako tinamaan eh."



Nakangiti kong sabi sa kanya. Tumingin naman ako kay Throy na masama na ang tingin kay Nicolo. Siniko ko agad sya, mahirap na baka bigla na lang nyang bigwasan itong si Nicolo. Eh wala namang masamang ginagawa sa kanya si Nicolo.


"Sige Nicolo, kailangan na naming umuwi ni Rysha."


Pagkasabi nya nun ay hinila na nya ako palayo kay Nicolo. Tiningnan ko naman si Nicolo and I mouthed "pasensya na". Ngumiti na lang din sa akin si Nicolo.


"Ano ba Throy, hindi mo na ako kailangang hilahin."


"Kung hindi pa kita hinila dun, baka tunaw ka na ngayon."


Binawi ko ang kamay ko kay Throy at tumigil sa paglalakad. Humarap naman sya sa akin at masamang tumingin sa akin. Tinaasan ko naman sya ng kilay.


"Ano bang pinagsasabi mo?"


"Alam mo ba kung bakit sa direksyon mo nagpunta ang atake nya kanina?"


Umiling na lang ako dahil hindi ko naman napanood ang buong pangyayari kanina. Nakatuon kasi ang atensyon ko kina Lizeth at Zairah kanina dahil nga dun sa pag-iimbestiga nila sa akin.


"Dahil buong match nila kanina, lagi syang sumusulyap sayo. Kaya nung masira ang shield, sayo nagderetso yung atake nya."

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon