Habakkuk 3:19
19The Sovereign LORD is my strength; he makes my feet like the feet of a deer, he enables me to tread on the heights.
*****
RYSHA POV
Kasalukuyan akong naglalakad lakad sa academy nung mapatingin ako sa orasan ko. 7:55 na pala at kailangan ko nang pumunta sa classroom dahil baka malate ako. Inagahan ko talaga ang alis sa bahay para makapagmasid masid pa, nagbabaka sakali na makita ko ang may hawak ng iba ko pang gem. Gusto ko na kasing matapos ang mission ko dahil ayokong may mabiktima pang iba ang mga gem ko. Masyado nang delikado kung magtatagal pa sila sa mga kamay ng elementalist.
Pero dahil nga sa malelate na ako, tumakbo ako papunta sa room. Mamaya ko na lang ulit itutuloy ang paghahanap.
O_O
Yan ang reaksyon ng mga kaklase ko nung sumadsad ako sa classroom. Yung feeling na ang ingay ingay ng buong klase tapos nung dumating ka ay biglang tumahimik na akala mo ay nakakita ng multo. Ganyang ganyan ang sitwasyon namin. Ang awkward.
Pinilit kong maglakad nang hindi nakakalikha ng ingay habang nakatungo dahil ramdam ko pa din yung mga tingin nila. Pagkaupong pagkaupo ko ay tumingin agad ako kina Zairah at Lizeth.
"Girl, bakit ngayon ka lang?"
"Bakit? May nangyari ba?"
Sabay na tumango sa akin yung dalawa at ngumiti. Bigla naman akong kinabahan sa mga ngiti nilang yun.
"Anong -----"
"Good morning class!"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil dumating na si sir Eric kaya umayos na lang ako ng upo.
"Good morning sir!"
"Okay, enough muna tayo sa history ng elemental world. Nakatanggap kasi ang academy ng memo mula sa Water Kingdom. Nakalagay doon na kailangan naming idiscuss sa inyo ang Love Rules ng Elemental World."
Pagkasabing pagkasabi nun ni sir Eric ay nagtilian ang mga kaklase kong babae habang sumipol naman ang mga lalaki. Napatakip na nga lang ako sa tenga ko kasi ang sakit sa tenga.
![](https://img.wattpad.com/cover/52946761-288-k171713.jpg)
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."