CHAPTER 19

6.9K 268 17
                                    

Psalm 120:1

I took my troubles to the Lord; I cried out to him, and he answered my prayer.





*****


RYSHA POV


Since walang nakakakita sa akin ngayon, malaya akong gawin lahat ng gusto ko. Pwedeng pwede kong pakinggan ang lahat ng pinag-uusapan ng mga elementalist. Pwedeng pwede kong malaman lahat ng sikreto nila. Pero syempre, hindi ko gagawin yun. Konti lang :D




"Narinig mo na ba ang balita? Natalo daw ni Nerissa si Rysha sa battle kahapon."



Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ko. May dalawang estudyante ang nakaupo sa may bench at ako ata ang topic nilang dalawa.


Lumapit ako sa kanila at naupo pa sa tabi nila.


"Mabuti nga yun sa Rysha na yun. Ang yabang yabang kasi. Akala mo kung sinong magaling. Wala naman palang binatbat. Magaling lang sya sa pangbabara."


Hindi ko alam kung dapat ba akong mapikon dahil sa sinabi nitong katabi ko. Ang sarap hilahin ng buhok nya.


"Oo nga girl, ang lakas ng loob barahin si Nerissa. Tiklop naman pala sya."


Eh kung pag-umpugin ko na lang kaya ang dalawang ito. Ang kapal ng mukha nila para laitin at pag-usapan ako. Tss.


Bago pa man ako makagawa ng hindi maganda sa dalawang ito ay tumayo na lang ako at lumayo sa kanila. Kailangan ko pa nga palang mahanap ang may hawak ng gem ko at bawiin ito.



"Kaya siguro hindi sya pumasok ngayon dahil sa kahihiyan. Ang yabang kasi."


Napatigil ulit ako dahil sa sinabing iyon ng kaklase ko na nakatambay sa may hallway. Alam ko namang ako ang pinag-uusapan nila. And wow lang hah. Ako pa pala ang topic of the day.



"ANO BA??"



Napalingon ako kay Throy na bigla na lang sumigaw. Naglalakad din sila ng barkada sa may hallway and suppossedly ay makakasalubong ko dapat sila. Kaso ito ngang si Throy ay bigla na lang tumigil at sumigaw. Galit na galit sya and nakaramdam ako ng bahagyang takot.



"WALA NA BA KAYONG IBANG ALAM KUNDI ANG PAG-USAPAN SI RY? MIND YOUR OWN LIFE! BWISET!"



Pagkasabi nun ni Throy ay umalis na sya. Sina Lizeth naman ay nagkatinginan pa bago sinundan si Throy. At ako, speechless sa nangyari.

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon