Psalm 118:5-6
5 When hard pressed, I cried to the Lord; he brought me into a spacious place.
6 The Lord is with me; I will not be afraid. What can mere mortals do to me?
*****
RYSHA POV
"Magkaaway ba kayo ni Throy?"
"Oo nga Ry? Anyare sa inyong magpinsan?"
Yan agad ang bungad sa akin nina Lizeth at Zairah nung makarating ako sa room.
Hindi kasi kami sabay ngayon ni Throy pagpasok. Sabi sa akin ni tita Riya ay maaga daw pumasok si Throy. At ayun nga sya, nakaub-ob lang sa table nya at mukang tulog. Hindi na nga din kami nagkausap mula kahapon eh.
"Naku kung may problema man kayong dalawa, ayusin nyo na agad yan."
Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot dun sa dalawa. Sabay naman silang napabuntong hininga.
Sinulyapan ko naman si Throy. Iniiwasan ba nya ako? Dahil ba yun sa nangyari kahapon?
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at tumingin na lang sa may blackboard.
"Good morning class!"
"Good morning sir!"
"Okay, gusto kong ibalita sa inyo ang panibagong pahina ng libro ng elemental world. Nakasaad dito na ang panganay na anak nina psyche Akeesha at psyche Ryan ay malapit nang maging gem psyche."
Naghiyawan ang mga kaklase kong earth elementalist dahil sa narinig. Ang Earth Kingdom kasi ang namamahala sa mga gem ng elemental world. Kaya nga nakakapagtaka na bakit ang mga gem ko ay nandito din. Their gems are normal and no powers. Tanging mga gem ko lang ang nagpopossess ng iba't ibang special powers.
"Sir, ano pong pangalan ng gem psyche?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Throy pero nag-iwas agad sya ng tingin.
"Wala pang sinasabi ang aklat kung anong pangalan nya. Pero sa araw na itinakda sa kanya ay dun natin malalaman ang pangalan nya."
"Ang galing naman, pamilya sila ng mga psyche. The immortal family."
![](https://img.wattpad.com/cover/52946761-288-k171713.jpg)
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."