Psalm 143:10
10Teach me to do your will, for you are my God; may your good Spirit lead me on level ground.
*****
RYSHA POV
"Anong ginagawa nyo dito?", gulat kong tanong sa kanila.
Kumpleto silang lahat. Nandito sina Throy, Michael, Aaron, Brylle, Lizeth, Zairah at Jhudiel. Nakangiti silang lahat sa akin at sa halip na masiyahan ako ay lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko.
"Aw, ang sweet naman ng mga kaibigan mo Rysha.", nakangising sabi sa akin ni Nerissa.
Bumalik ang tingin ko sa kanya na kasalukuyang nakataas ang kanang kamay. Agad akong naalarma kaya nilagyan ko agad ng shield ang buong barkada.
Bigla kong naalala ang ginawa ko sa kanila noon para maprotektahan sila sa mga gem ko. At sa tingin ko ay eepekto ulit ito sa kanila. Tanging ang Zircon gem lang ang hindi sila maaapektuhan. At least, alam kong hindi makokontrol ni Nerissa ang mga memories nila. Malaking tulong na yun sa akin para hindi nya magamit ang mga kaibigan ko laban sa akin. Lumapit ako sa kanila at nagpalabas ng pinagsamang water at air element. Nilagyan ko silang lahat na ipinagtaka naman nila.
"Ano yun Ry?", nagtatakang tanong sa akin ni Lizeth.
"Well, mukang hindi talaga kayo mapipigilan eh. So let's do this?", nakangiti kong sabi sa kanila.
"Parang ang daya naman. 8 versus 1?", singit naman sa amin ni Nerissa.
"Nasayo ang mga gem ko so I guess ikaw ang mas madaya.", sabi ko naman sa kanya.
Naramdaman ko naman ang paghawak ni Throy sa kamay ko. Then may ibinulong sya sa akin.
"9 less than 3.25.15.21. And I'm glad that you feel the same way."
Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi nya habang sya naman ay tumawa. Tss, pagtawanan ba naman daw ako. Humigpit ang pagkakahawak nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Hey, mamaya na yan pwede?", naiinis na sabi ni Michael.
"Hayaan mo na. Makakahanap ka din ng poreber mo.", sabi naman ni Jhudiel.
Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Hindi na din kasi lingid sa kaalaman ko ang nararamdaman ni Michael para sa akin lalo na at umamin na sya noon. At sinabi ko din sa kanya na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay nya sa akin. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay. Pero ganun naman siguro talaga. Hindi kayang turuan ang puso. Magmamahal ito ayon sa nararamdaman nya, at hindi sa sinasabi ng isipan.
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."