Colossians 3:9-10
9 Do not lie to each other, since you have taken off your old self with its practices 10 and have put on the new self, which is being renewed in knowledge in the image of its Creator.
*****
RYSHA POV
"Oh nandito na pala kayo. Kamusta ang lakad nyong dalawa?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Throy. Kararating lang naming dalawa at itong si tita Riya ay busy sa kanyang mga bulaklak.
"Ma, may kasama kami."
Napatingin sa amin si tita na may pagtataka. Inihinto pa nga nya ang ginagawa nya at lumapit sa aming dalawa.
"Kasama? Nasaan?"
Sumilip silip pa si tita sa likuran namin para makita yung sinasabing kasama namin.
Bigla namang lumabas mula sa ilalim ng buhok ko si Miya. Natigilan si tita ng makita nya ito. Nangingilid na din ang luha nya at tumingala pa sya para lang pigilan ang mga luha nya.
"Miya."
Akmang lalapitan na sana ni tita si Miya kaso itong si Miya ay nagtago lang sa likuran ko. Kitang kita ko ang pagkadismaya sa mga mata ni tita. At nasasaktan ako sa nakikita ko.
"Ah Ma, hayaan na muna natin si Miya kay Rysha."
Malungkot na tumango si tita at bumalik na ulit sya sa ginagawa nya.
"Akyat lang kami sa kwarto."
Tumango lang din si Throy at muli nyang pinagmasdan ang kanyang ina. Niyaya ko naman si Miya na pumunta sa kwarto ko. Sumunod naman sya sa akin.
"Wow, ito ang kwarto mo?"
Nagpalipad lipad si Riya sa buong kwarto ko at tuwang tuwa sya sa mga nakikita nya. Nung mapagod sya sa kalilipad ay humiga sya sa kama ko.
"Naiilang ka ba kay tita Riya?"

BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."