Luke 10:27
He answered: "Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your strength and with all your mind'; and, 'Love your neighbor as yourself."
*****
THROY POV
Bigla akong naalimpungatan. Tumingin agad ako sa orasan. 10pm pa lang pala, isang oras pa lang akong nakakatulog. Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko pero parang nawala bigla ang antok ko.
Bumangon ako at tumingin sa buong kwarto ko. Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan. Naglakad lakad ako para mapakalma ang dibdib ko. Pero parang mas lalo pang lumakas ang kaba ko.
Biglang sumagi sa isipan ko si Rysha. Kaya automatic na lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto nya. Kakatok na sana ako pero bigla akong nagdalawang isip. Baka kasi tulog na sya tapos gigisingin ko pa sya. Mababatukan ako nun kapag nagkataon. Ilang minuto din akong nakatitig sa pinto ng kwarto ni Rysha bago ko napagpasyahan na bumalik na lang sa kwarto ko.
Pabagsak akong humiga sa kama ko. Paniguradong tulog na si Rysha ngayon. Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko.
Akala ko makakatulog na ako pero nagkamali ako. Dahil halos isang oras ko nang pinipilit na matulog pero eto, mulat na mulat pa din ako. Ngayon lang nangyari sa akin ito. Usually kasi kapag bigla akong nagigising sa gabi, nakakatulog ulit ako. Pero bakit ngayon ay kahit anong gawin ko, hindi ako makatulog.
Biglang bumukas ang bintana ng kwarto ko kaya agad akong bumangon at lumapit doon. Bakit yata ang lakas ng hangin ngayon?
Sh*t.
Rysha!
Bumalik ulit ako sa kwarto ni Rysha. Hindi na ako nag-aksayang kumatok pa. Hindi naman kasi naglalock ng pinto si Rysha kaya agad ko iyong nabuksan. Binuksan ko ang ilaw at hinanap ko agad si Rysha pero wala sya sa kama nya. Tiningnan ko ang buong kwarto pero wala sya.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Nasaan ka Rysha? Bakit ka umalis?
Napadako ang tingin ko sa table nya at may nakitang maliit na papel. Agad ko iyong kinuha at binasa ang nakasulat.
10pm. At the forest. If you want to know everything.
10pm? Isang oras na ang nakakalipas. Sh*t.
Tinawag ko agad ang alaga kong si Maya. Dumating naman agad sya na halatang naabala sa pagtulog nya. Pero nung makita nya ang pag-aalala sa mukha ko ay para syang nabuhayan ng loob.

BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantastik12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."