CHAPTER 62

5.8K 189 15
                                        

Psalm 118:14

14The LORD is my strength and my defense ; he has become my salvation.





*****


RYSHA POV


"Rysha, okay ka lang ba?"


Napatingin ako kay Lizeth at tumango na lang sa kanya. Nandito na kami sa classroom at wala pa ang teacher. Normal class na ngayon since tapos na ang foundation day.


And speaking of foundation day -_-


Arghh. Ayoko nang isipin kung ano ang mga nangyari.



"Ano bang nangyari sayo? Ang laki ng eyebags mo.", puna naman sa akin ni Zairah.



Oo, malaki ang eyebag ko ngayon. Simula kasi nung matapos ang elemental ball, hindi na ako nakatulog ng maayos. Lagi ko na lang kasing naaalala yung..


Arghh. Nevermind. Tss.



"Oh Throy, ang laki din ng eyebag mo.", bungad agad ni Lizeth kay Throy nung pumasok sya sa room.



Nagkatinginan pa kami ni Throy pero as usual, ako ang unang umiwas. Simula nung mangyari YUN, hindi pa kami nakakapag-usap ni Throy.


Inaamin ko naman na ako talaga ang umiiwas sa kanya. Eh kasi naman, naiilang ako dahil sa nangyari. Pakiramdam ko kapag kinausap nya ako, automatic na namumula ang magkabila kong pisngi.


Hindi sumagot si Throy at umub-ob lang sya sa desk nya. Nagkatinginan naman yung dalawa ni Lizeth at Zairah. Napahawak na nga lang ako sa noo ko dahil alam kong may meaning ang pagtitinginan nilang yun.




THROY POV


Simula nung foundation day, nung aksidenteng nahalikan ko sya, hindi na ako pinapansin ni Rysha. Halata naman kasi sa kanya na iniiwasan nya ako. Hindi ko lang alam kung iniiwasan nya ako dahil naiilang sya sa akin o nagagalit sya.


Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko naman sinasadya. Aksidente lang ang lahat. Pero kapag nagpaliwanag ako sa kanya, baka isipin nya na defensive ako. Tss.


Hindi ako sanay na ganito kami. Hindi ako sanay na iniiwasan nya ako. Hindi ako sanay na hindi nya ako pinapansin at kinakausap. Kaso anong gagawin ko para pansinin nya ulit ako?



Kailangan ko bang halikan ulit sya?

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon