CHAPTER 39

6K 229 8
                                        

Ecclesiastes 7:9

9 Do not be quickly provoked in your spirit, for anger resides in the lap of fools.





*****

RYSHA POV


"Ate Rysha, anong ginagawa mo dito?"



Yan agad ang bungad sa akin ni Ian nung iminulat ko ang mga mata ko. Tagumpay akong nakapasok sa ilusyon ni Ian. Nasa ibang lugar kami at hindi ko na din makita sina Throy at Michael. May isang halimaw sa harapan namin, kulay brown ito na may matitilos na kuko at pangil. Susugod ito sa amin kaya agad akong hinila ni Ian palayo sa halimaw.


Gusto ko sanang sabihin kay Ian na iliusyon lamang ito at kayang kaya naming makaalis dito. Pero kapag ginawa ko yun, baka hindi na ako magkaroon ng pagkakataong makita ang elementalist na may hawak ng Aquamarine gem ko.



"Ate, paano ka napunta dito?"



Nagtago kami sa isang malaking puno at pilit tinatanggal ni Ian ang chainbreak nya.



"Sabi ko naman sayo diba, tutulungan kita."


"Mapapahamak ka lang ate, pareho tayong may chainbreak."



Biglang sumulpot ulit yung halimaw sa harapan namin kaya hinila ulit ako ni Ian. Takbo lang kami ng takbo dahil hindi magamit ni Ian ang element nya.



"Sa tingin mo ba makakatakas kayo? Mamamatay ka na Ian, kasama ang pakialamerang babae na yan."



Sabi nung nakakapangilabot na boses ng babae. Tumigil ako sa pagtakbo kaya napatigil din si Ian.



"Kung gusto mo kaming patayin, lumabas ka at ikaw mismo ang pumatay sa aming dalawa!"



Malakas kong sigaw pero tanging malakas na halakhak ang isinagot nya sa akin. Kumapit naman ng mahigpit sa akin si Ian at ramdam ko ang panginginig ng kamay nya.



Mula sa isa ay naging apat na ang halimaw na nakapalibot sa amin. Umiiyak na si Ian habang ako ay nakatingin lang dun sa apat na halimaw. Hindi pwedeng makita ni Ian na kaya kong gumamit ng element kahit na may chainbreak ako kaya hindi ako pwedeng umatake sa apat na halimaw. Palihim ko na lang na kinuha ang hanging dumadaloy sa katawan ng apat na halimaw, pati na din ang hanging nakapalibot at hinihingahan nila ay kinuha ko din.



At dahil sa kinakapos na sila sa hangin ay unti unti silang nanghina hanggang sa tuluyan na silang namatay at naglaho. Pero hindi natapos doon lahat dahil biglang sumulpot sa harap namin sina Throy at Michael.

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon