CHAPTER 8

8.2K 313 8
                                        

Philippians 4:9

Whatever you have learned or received or heard from me, or seen in me -- put it into practice. And the God of peace will be with you.





*****

RYSHA POV


"Bakit ka nasusugatan? Akala ko ba immortal ka?"


Yan ang tanong sa akin ni Throy habang kumukuha sya ng bulak at alcohol ata yun. Hindi ko sinagot ang tanong nya. Pinagmasdan ko lang ang ginagawa nya. Nilagyan nya yung bulak ng alcohol pagkatapos ay nilapat nya ito sa sugat ko.


"Aray!!"


Nagulat sya nung bigla akong sumigaw. Tinanggal nya yung bulak sa sugat ko.


"Sorry. Masakit ba?"


"Malamang, aaray ba ako kung hindi masakit?"


"Tss. Tiisin mo na lang. Kailangan yang malinis para hindi maimpeksyon."


Akmang ilalapat nya ulit yung bulak sa sugat ko pero tumayo ako at lumayo sa kanya. Nakita ko naman syang ngumisi at akmang lalapit sa akin kaya umatras ulit ako palayo sa kanya.


"Ang galing galing mong mangbara, tapos sa alcohol natatakot ka."


Nakangisi pa din nyang sabi. Inirapan ko na lang sya.




"Ry."


Sabay kaming napalingon nang biglang may nagsalita at tinawag ang pangalan ko.


"mommy!!"


Agad akong tumakbo papalapit kay mommy at niyakap sya. Bigla ding sumulpot si daddy kaya niyakap ko din sya.


"Mr. Ryan and Mrs. Akeesha, magandang araw po."


Nginitian ni mommy si Throy. Si daddy naman ay lumapit kay Throy.


"kamukhang kamukha mo si Jethro."


Niyakap ni daddy si Throy. Napangiti na lang sa akin si Throy, tinaasan ko lang sya ng kilay. After nun ay lumabas muna si Throy para daw magkausap kami ng parents ko.


"Ry, bakit ganyan ang suot mo?"


Napatingin ako sa damit ko. Oo nga pala, nakapalda nga pala ako na medyo maikli.


"Ah ano, kasi dad"


"Hon, hindi mo ba nakita yung mga babae sa labas? Maiikli ang suot nila. Yun na ang napapanahon ngayon."

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon