CHAPTER 35

6.5K 220 8
                                    

Psalm 29:11

11The LORD gives strength to his people; the LORD blesses his people with peace.





*****


RYSHA POV



Bigla akong nakaramdam ng matinding hilo kaya sa halip na maglibot muna ay nagpunta na lang ako sa isang bakanteng classroom. Naupo ako sa sahig at isinandal ang ulo ko sa pader. Umiikot talaga ang paningin ko at kapag iminulat ko pa ang mga mata ko ay para akong masusuka. Ang bigat sa pakiramdam. Ngayon ko lang ata naramdaman ang ganito, parang bibigay na yung katawan ko dahil sa hindi ko maexplain na pakiramdam.


"Sabi na eh, nandito ka."


Kahit hindi ko imulat ang mga mata ko ay alam kong si Lizeth ang nagsalita.


"Paano nyo nalaman na nandito ako?"


Tanong ko sa kanila habang nakapikit pa din ako. Alam ko naman kasing kasama nya si Zairah. Hindi na kasi mapaghiwalay yang dalawang yan. Laging magkasama kahit saan magpunta ang isa.


"Well, nakita kasi namin yung buhok mo sa labas."


Bigla kong iminulat ang mata ko dahil sa sinabing iyon ni Zairah, pero pumikit ulit ako dahil nga sa sobrang nahihilo ako.


"Oh no Zai, naaapakan na natin ang buhok ni Ry."


Pagkasabi nun ni Lizeth ay sabay silang nagtawanan. At hindi ko magets kung bakit sinabi nila yung tungkol sa buhok ko. Eh hanggang bewang ko lang naman yung buhok ko. Paanong makikita nila sa labas ang buhok ko? At paanong naapakan nila yun eh ni hindi nga ito lumapat sa sahig.


"Magulo kayong kausap, alam nyo yun."


Pagtataray ko dun sa dalawa. Pinag-iisip pa ako ng dalawang ito, hilong hilo na ako, lalo pa nila akong hihiluhin dahil sa mga pinagsasabi nila.


"Hahaha, eh kasi naman girl, ang haba ng hair mo."


"Alam kong mahaba ang buhok ko, kaso ang exage nyo masyado."


Naramdaman ko naman na tumabi sa akin yung dalawa. Bale pinaggigitnaan na nila ako.


"Pasensya naman, ikaw kasi eh. Yun ba namang magpinsan, naglaban nang dahil lang sayo."


Hindi na lang muna ako magsasalita. Pakikinggan ko na lang muna ang dalawang ito dahil hilong hilo pa din ako, at mas lalo syang lumalala.


"Oo nga girl, pero mas gusto ko si Michael para sayo."


FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon