CHAPTER 49

6.4K 203 11
                                        

1 Peter 1:21

Through him you believe in God, who raised him from the dead and glorified him, and so your faith and hope are in God.







*****


RYSHA POV



Pagkarating namin sa bahay ay nandun ang buong barkada. Agad nila kaming sinalubong.



"Saan kayo galing? Akala ko ba Throy, tulog pa si Rysha?", nagtatakang tanong ni Michael.



Napatingin naman ako kay Throy. Akala ko ba hinahanap ako ng barkada? Eh bakit ang alam nila ay tulog pa ako?



"Mamaya na yan. Ry, magpalit ka na muna ng damit. Baka magkasakit ka nyan.", seryosong sabi ni Throy.



Sumunod na lang ako sa sinabi nyang yun dahil nilalamig na din ako. Umakyat ako sa kwarto ko at naiwan ang mga kaibigan ko sa may sala.


After kong maligo at magbihis ay agad din akong bumaba para puntahan ang mga kaibigan ko.



"Saan ba talaga kayo galing ni Rysha?", narinig kong tanong ni Aaron kay Throy.



Hindi muna ako lumapit sa kanila. Nagderetso na lang ako sa may kusina para uminom ng tubig.



"Dyan lang sa tabi tabi.", narinig ko namang sagot ni Throy.



Hindi naman kasi kalayuan itong kusina kaya dinig na dinig ko ang usapan nila.



"Eh bakit basang basa si Rysha?", tanong naman ni Lizeth.


"Eh bakit ba ang dami nyong tanong?", parang naiinis na sabi ni Throy.


"Eh bakit galit ka na? Nagtatanong lang eh.", sabi naman ni Zairah.



Napapatawa na lang ako dito habang pinakikinggan ang usapan nila.



"Tawang tawa ka dyan."


"Michael."



Nakangiting lumapit sa akin si Michael at bahagyang ginulo ang buhok ko.

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon