Matthew 7:7
Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you.
*****
RYSHA POV
"Saan ba talaga tayo pupunta?", naiinis kong sabi kay Michael.
Kanina pa kasi kami naglalakad ni Michael. At kanina ko pa din sya tinatanong pero hindi naman nya ako sinasagot ng maayos.
"Mainipin ka talaga noh?"
Oh diba, ang galing nang sagot nya. Konting konti na lang, mapipikon na ako sa lalaking ito.
"We're here.", nakangiti nyang sabi sa akin.
Napatingin naman ako sa lugar na pinagdalhan nya sa akin. At awtomatikong napakunot ang noo ko.
"Falls?", nagtatakang tanong ko sa kanya.
Ano namang naisipan nang lalaking ito at dinala nya ako dito? Hindi naman kami pwedeng maligo dahil medyo madilim na.
"Oo, falls. Kaya maupo ka muna dun."
Itinuro sa akin ni Michael ang isang malaking bato malapit dun sa falls. Sinunod ko na lang sya kahit na sobra na ang pagtataka ko kung bakit kami nandito.
"Watch and enjoy!", sabi pa ni Michael kaya napangiti na lang ako.
Ikinumpas nya ang mga kamay nya. Umangat naman sa ere ang maraming water particles. Para itong raindrops na nakalutang lang sa ere. Medyo madilim na din ngayon at nagkataong full moon pa. Kaya yung mga water particles ay kumikinang dahil sa liwanag ng buwan. Yung tubig naman sa falls ay parang naging dancing fountain. At kapag tumatama yung mga water particles sa fountain ay sumasabog ito na parang katulad ng fireworks. Parang nawala lahat ng pagod ko dahil sa napapanood ko ngayon. Pati nga ang pagkainis ko kay Michael ay nawala din. Medyo nababasa na din ako pero ayos lang.
Mga sampung minuto din ang itinagal ng mga water particles at dancing fountain. Nung matapos ito ay hingal na hingal si Michael. Medyo madami din kasing lakas ang nagamit nya dahil sa pagkontrol ng tubig.
"Masaya ako na napasaya kita Rysha. You deserve it.", nakangiti nyang sabi sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/52946761-288-k171713.jpg)
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasía12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."