CHAPTER 72

4.8K 181 19
                                        

James 5:16

16Therefore confess your sins to each other and pray for each other so that you may be healed. The prayer of a righteous person is powerful and effective.





*****


RYSHA POV



Agad kaming umuwi ni Throy sa bahay dahil naghihintay na daw dun sina tito at tita. Pagkarating namin doon ay agad nila akong kinausap.



"Okay ka lang ba Rysha?", nag-aalalang tanong sa akin ni tita Riya.


"Opo tita. Pero ano po ba talagang nangyayari?"


"Nalaman ng council na sya ang kumuha ng gem na galing sa Earth Kingdom, at nung kakausapin na namin sya, inunahan nya kami. She went to the office to admit what she had done. Pero kasunod nun ay ang pagsasabi nya na sya ang nakatakdang maging gem psyche. Kaya daw nya kinuha yung gem ay dahil isa yun sa labindalawa nyang gem.", pagkukwento ni tita Riya.


"Nung una ay ayaw maniwala ng council, pero ipinakita nya sa amin ang gem na nasa loob ng glass box. Sya lang ang nakasira ng box, at sinabi nya na kaya nya nagawa yun ay dahil isa syang psyche. Marami na ang sumubok na sirain ang glass box pero sya lang ang nakasira nito. Kaya naniwala ang council pati na din ang mga royalties. Ipinaliwanag na din nya ang pangbubully nya sa mga estudyante kasama ka, ginawa nya lang daw ito dahil parte yun ng paghahanap nya ng mga gem nya. Council apologized to her for giving her punishment. Nakuha nya ang buong tiwala ng council dahil sa sinabi nya.", sabi naman ni tito Jethro.



Tumayo ako at lalabas na sana sa bahay nung pigilan ako ni Throy.



"Saan ka pupunta?", seryoso nyang tanong sa akin.


"Pupuntahan ko si Nerissa at babawiin ko ang gem ko."


"Hindi mo sya basta pwedeng puntahan Rysha. Lahat ng elementalist ay nagawa nyang paniwalain na isa syang psyche. At ngayon ay tinuturing syang isang royalty. Once na kalabanin mo si Nerissa, kalaban mo na din ang buong elemental world.", sabi ni tita.



Tumango na lang ako at binawi ko ang kamay ko kay Throy.



"Akyat na lang po muna ako sa kwarto. Excuse me po."



Mabilis akong umakyat sa kwarto ko. Isinara ko ang pinto at pabagsak na humiga sa kama ko. Kailangan kong mabawi ang gem ko kay Nerissa. Pero paano? Tumayo ako at sumilip sa bintana. Pinagmasdan ko ang buong elemental world. Bakit ba ang komplikado ng mundong ito?

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon