2 Chronicles 7:14
if my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then I will hear from heaven, and I will forgive their sin and will heal their land.
*****
RYSHA POV
"Rysha!!"
Napatakip na lang ako sa tenga ko dahil sa pagsigaw nina Lizeth at Zairah. Parang hindi kami magkasama kahapon kung makasigaw itong mga ito. Inabangan pa talaga nila ako sa may pintuan ng classroom namin.
"Next week na pala ang foundation day.", tuwang tuwa na sabi ni Lizeth.
"Oo nga, akala ko hindi na magkakaroon nun ngayong taon na ito eh.", sabi naman ni Zairah.
"Oh tapos?", walang gana kong tanong sa kanila.
Tinulak naman ako nung dalawa at muntik pa akong magdagasa. Buti na lang nakahawak agad ako sa may pader. Sinamaan ko naman sila ng tingin habang alanganin silang ngumiti sa akin.
"Grabe ka Rysha, hay naku. Excited na excited kami dito tapos ikaw parang wala lang sayo.", nakapamewang na sabi sa akin ni Lizeth.
Sana nga wala lang sa akin ang foundation day eh. Kasi ang totoo, nagiging big deal na naman sa akin ang event na ito. Bumabalik na naman yung pakiramdam ko nung bata pa ako patungkol sa foundation day. At hindi yun maganda, hindi yun tama.
"Nandyan na ang teacher natin, bakit nandito pa kayo sa labas?", masungit na tanong ni Throy.
Tiningnan naman ako nina Lizeth at Zairah na parang nagtatanong kung bakit bad mood si Throy. Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko din alam.
Pumasok na lang kami sa room habang si Throy ay tahimik na sumunod sa amin. Then ilang saglit lang ay pumasok na din yung teacher namin.
"Okay class, may announcement lang ako regarding sa foundation day na gaganapin next week."
Napabuntong hininga na lang ako. Pati ba naman ang mga teachers, excited sa event na yun?
"May konting pagbabago kasi sa event na yun. Boys makinig kayong mabuti. May inihanda ang academy na laro para sa inyo. Ang larong ito ang magdidikta kung sino ang makakapartner nyo sa araw ng foundation day."
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasy12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."