CHAPTER 40

6.7K 229 7
                                        

Psalm 34:14

Turn from evil and do good; seek peace and pursue it.





*****


THROY POV


"Sila talaga ang magulang ni Rysha?"



Gusto kong matawa sa tanong ni Michael. Manghang mangha kasi sya dahil nasa harapan na namin ang Balance at Dream Psyche na magulang ni Rysha. Lumapit naman sa amin ang daddy ni Ry na si Tito Ryan.



"Maraming salamat sa pagprotekta sa anak ko."



Nakangiti nyang sabi sa amin. Napangiti na lang din kaming dalawa ni Michael. Pero alam kong kinakabahan itong si Michael, parang hindi na nga humihinga eh. Yun ba naman kasing tatay ni Rysha ang kaharap namin ngayon ay nakakakaba talaga.



"Masaya ako na may kaibigan si Rysha dito, pero paalala lang Michael, hanggang kaibigan lang hah."


"O-opo naman sir."



Tss. Parang kailan lang, hindi nya inatrasan ang hamon ng pinsan nyang si Ced dahil kay Rysha. Tapos ngayon, tiklop sya kay tito Ryan.



"Ikaw din Throy."



Nagtaka naman ako sa sinabing yun ni tito. Tinapik pa nga ako ni Michael sa balikat ko na parang nagets nya ang sinabi ni tito. Peroako, hindi ko nagets. Anong ako din?



"Po? Anong ako po?"



Magsasalita ulit sana si tito Ryan pero hindi na natuloy dahil biglang sumigaw si tita Akeesha. Pagtingin namin sa kanila ay hawak na ni tita si Rysha na wala nang malay. Agad naman kaming lumapit sa kanila at binuhat ni tito Ryan si Rysha.



"Teka, sino ba talaga kayo?"



Nakalimutan kong kasama pa nga pala namin ang pasaway na si Ian.



"Mamaya na lang namin ipapaliwanag sayo. Ah tito Ryan, may sakit po kasi si Rysha kaya po siguro sya nawalan ng malay."


"Hon, mas mabuti pa siguro na gumawa na lang ako ng portal papunta kina Riya. Baka kasi may makakita pa sa atin na ibang elementalist."

FINDING MY GEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon