2 Chronicles 15:7
But as for you, be strong and do not give up, for your work will be rewarded.
*****
RYSHA POV
"Sigurado ka bang ok ka lang Ry?"
Nakakalima na atang tanong itong si Michael sa akin kung ayos lang ba daw ako. At nauubos na ang pasensya ko.
"Sa tingin mo ba makakalakad ako ng ganito kung hindi ako okay?"
Pangbabara ko sa kanya. Hindi na ako nakapagpigil. Ang kulit kulit kasi.
"Yun oh! Okay ka na nga dahil nakakapangbara ka na."
Nakangiting sabi ni Michael. Napailing na lang ako. Mukang masaya pa sya dahil nabara ko na naman sya.
"Saan ba tayo pupunta?"
Tanong ko sa barkada. Nung matapos kasi ang 'battle' namin ni Nerissa ay niyaya na ako ng mga ito. At kanina pa kami palakad lakad, hindi kasi nila sinasabi kung saan ba kami pupunta. Basta ang sabi nila ay mag-a-unwind lang daw kami para daw makalimot sa nangyari kanina.
"Basta, panigurado mag-eenjoy ka."
Halata sa boses ni Lizeth ang pagkaexcited. Nandito pa din naman kami sa loob ng academy. Yun nga lang ay hindi ko na alam kung nasaang parte na kami ng academy. Medyo madilim na kasi.
Hanggang sa nakarating kami sa isang parang bahay na may dalawang palapag. May pinindot si Brylle na parang doorbell kaso yung button ay nasa ilalim ng paso.
Agad namang bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki. Tiningnan nya kami isa isa at pagkatapos ay sumenyas na pwede na kaming pumasok.
Hinila agad ako ni Lizeth at Zairah papasok sa loob. Nagulat ako dahil ang bumungad sa amin ay isang madilim na kwarto na may iba't ibang ilaw at may mga elementalist na sumasayaw sa saliw ng musika. Kung hindi ako nagkakamali, para itong bar sa mundo ng mga tao.
"T-teka, bakit may ganito? Sa loob ng academy?"
Gulat na gulat na tanong ko sa barkada.
"Well, tanging mga estudyante lang ang may alam ng lugar na ito. Ito ang puntahan ng mga estudyanteng gustong magpakawala ng stress sa school."
Nakangiting sabi ni Zairah. Naupo sila sa isang bakanteng table at naiwan kami ni Throy na nakatayo dito.
"Throy, alam ba ito nina Tito at Tita?"
![](https://img.wattpad.com/cover/52946761-288-k171713.jpg)
BINABASA MO ANG
FINDING MY GEMS
Fantasía12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have changed? "Finding your gems is not only just a training for you..this is your life.."